Gin Kings isa na lang,binakbak ang Giga! 
PBA

Gin Kings isa na lang,binakbak ang Giga! 

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
SMART Clark Giga City - Nasa bingit na ang Barangay Ginebra na masungkit ang  13-taong pagkauhaw sa  PBA All-Filipino tourney.
 
Astig na rumesbak ang Gin Kings mula sa kanilang 21-point blowout loss sa huling tiyempo at tangkang tapusin ang  bubble crown sa bisa ng 98-88 pagdiskaril sa TNT Tropang Giga, Linggo sa AUF Sports Center Powered by Smart 5G sa Angeles City,  Pampanga. 
 
 
Binago ang mga taktika matapos ang kanilang  67-88 Game Three loss, kinalso ng  kanilang maestro na maikayod ang kanilang best game sa kabuuan ng bubble play at ikomando ang 3-1 angat sa serye. 
 
Babatak ang Kings na maipanalo ang  Game Five, Miyerkules o kung kinakailangan sa Game Six, Biyernes. 
 
Dominado ng Kings ang loob at labas kaagapay ang running dunk show ni Japeth Aguilar at ng Ginebra gunners na nagpaulan ng tres para patingkarin ang husay, tungkabin ang tangka ng TNT na maitabla ang serye. 
 
 
Humalibas ng todo si LA Tenorio para tapusin ang matinding serbisyo sa Game Four.
 
"He (Tenorio) was really calm under pressure. RR Pogoy was making incredible shots and they're getting pumped up. It's hard to respond but that's what LA did," sambit ni Ginebra coach Tim Cone.
 
Pingil ni  Tenorio ang  Tropang Giga sa kanilang pag-atake sa tres na inilarawan ng kanilang Ginebra mentor bilang "cold blooded." (LP/PBA)
 
 
The Scores:
 
GINEBRA 98 - Tenorio 22, Aguilar 22, Pringle 16, Thompson 11, Devance 8, Dillinger 7, Chan 6, Caperal 6, Mariano 0.
 
TNT 88 - Pogoy 34, Erram 19, Rosario 16, Enciso 10, Reyes 3, Semerad 2, Castro 2, Vosotros 2, Washington 0, De Leon 0, Montalbo 0.
 
Quarters: 17-14; 49-39; 76-60; 98-88.