Tnt wasak sa Ginkings 2-0 na!

Tnt wasak sa Ginkings 2-0 na!

Tnt wasak sa Ginkings 2-0 na!
PBA

Tnt wasak sa Ginkings 2-0 na!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

SMART Clark Giga City - Umiskor lang si Scottie Thompson ng tatlong puntos para sa Barangay Ginebra sa Game 2 ng PBA Philippine Cup Finals, ngunit isang malaking tres, may 30 segundo para bitbitin ang Kings sa 92-90 panalo vs TNT Tropang Giga at ikomando ang 2-0 sa best-of seven series, Miyerkules sa Angeles University Foundation gym, Angeles City, Pampanga.

Bagupaman tuldukan ang pressure-packed three-pointer, si Thompson ay scoreless sa laro na may 0-of-4 shooting sa field, kasama na ang 0-of-2 sa arko ng tres.

Ang tumataginting na buslo ay hindi lang naghatag sa dating University of Perpetual Help standout sa kanyang tanging basket ng gabi nunit gayundin mailagay ang Kings sa kaayusan, 87-85.

Kinalsuhan din nito ang 10-1 atake ng top seeded team, na nakabuntot sa TnT side na lumaro na wala ang injured guard Ray Parks, 77-84, may 3:55 sa aksiyon.

"Scottie was struggling, LA was struggling, and for a while, Stanley was struggling, but of course he exploded. Japeth was struggling, so the whole first five really struggled coming out of the game," sambit ni Barangay Ginebra coach Tim Cone.

Nauna rito ang kanilang kamalasan sa shooting ang bumaon sa Kings sa 39-54 pagkaduhagi sa kalagitnaan ng ikatlong kanto.

Ngunit nagising ang bench ng Ginebra bagupaman matagpos ang yugto, umiskor si Aljon Mariano ng 10 sa kanyang 20 points at si Jared Dilliger ng limang puntos .

Nakisanib puwersa si Pringle sa Ginebra duo na pinasabog ang 14 points sa third para idikit ang iskor 68-70 papaaok sa huling yugto.

The scores:

Barangay Ginebra 92 – Pringle 34, Mariano 20, Dillinger 8, Chan 6, J. Aguilar 6, Tenorio 5, Tolentino 4, Devance 4, Thompson 3, Caperal 2.

TNT 90 – Pogoy 38, Enciso 15, Castro 13, Erram 11, Rosario 11, De Leon 2, Carey 0, Semerad 0, Montalbo 0, Washington 0.

Quarters: 21-17; 36-40; 68-70; 92-90.

(photo by: pba.pb)