Parks binibit ang TNT sa winner- take- all Game 5 vs Phoenix

Parks binibit ang TNT sa winner- take- all Game 5 vs Phoenix

Parks binibit ang TNT sa winner- take- all Game 5 vs Phoenix
PBA

Parks binibit ang TNT sa winner- take- all Game 5 vs Phoenix

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

SMART Clark Giga City. - Inareglo ni Bobby Ray Parks ang anumang pagkukulang ng TNT sa pagpitas ng 36 points at pamunuan ang Tropang Giga sa 102-101 panalo kontra Phoenix Super LPG, Miyerkules para dalhin sa deciding game ang kanilang duwelo sa PBA Philippine Cup semifinals Smart 5G-powered AUF Gym sa Angeles City, Pampanga.

Iniskor ni Parks ang 12 puntos sa huling kanto, ang huling dalawa ay galing sa libreng buslo na naghatag sa 100-95 game.

Ang tres ni Matthew Wright naman ang gumatong sa Fuel Masters sa dalawa, pero ang dalawa ni Simon Enciso ang naghatid ng dalawa pang freebies para sa dalawang possession game, 2 segundo na lang.

Ang panalo ang gumuhit ng 2-2 count sa best-of-five series sa Game 5 na lalaruin sa Biyernes.

"We're fighting for our lives here," wika ni Parks, sa kanyang 46 minuto sa loob. Kinalawit din niya ang 6 rebounds, three assists at two steals, kontra 4 turnovers.

Ikinabit sa starting lineup bilang parte ng adjustments na ipinangako ni coach Bong Ravena, naghatag si Jayson Castro ng 21 points habang si Roger Pogoy at Enciso ay nagdagdag ng 18 at 14 points, ayon sa pagkakasunod sa dikitang panalo.

"Our main goal is to just simply win the game, make the series even so we had to come out with our strongest starter na si Jayson," paliwanag ni Ravena. "Hopefully, we could continue with it in Game 5 on Friday."

Matikas ding nakihamok ang Phoenix sa tangkang ikandado ang serye ngunit nalaglag sa kaagahan at nahagip pa ang kambal na 17-point deficits sa ikatlong yugto.

The Scores:

TNT 102 - Parks 36, Castro 21, Pogoy 18, Enciso 14, Washington 6, Erram 4, Montalbo 3, Rosario 0, De Leon 0, Semerad 0, Reyes 0.

PHOENIX 101 - Wright 34, Perkins 19, Abueva 17, Jazul 11, Chua 10, Rios 4, Garcia 4, Heruela 2, Napoles 0, Reyes 0, Intal 0, Mallari 0.

Quarters: 21-12; 48-38; 69-68; 102-101.