Meralco pinuwersa sa G5 ang Ginebra

Meralco pinuwersa sa G5 ang Ginebra

Meralco pinuwersa sa G5 ang Ginebra
PBA

Meralco pinuwersa sa G5 ang Ginebra

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

SMART Clark Giga City - Binalikat ng Meralco Bolts ang 3-of-3 sa knockout games PBA Philippine Cup playoffs, palawigin ang kanilang pananatili sa bubble sa bisa ng 83-80 panalo kontra Barangay Ginebra Kings, Miyerkules.

Binalutan ni Reynel Hugnatan ang 19-points sa laro kasama ang dalawang matinding buslo at kasunod ni Raymond Almazan buhat sa bench at butatain ang make-or-break shot Stanley Pringle kung saan wunaswas ng Bolts ang target ng Kings na itiklop ang serye at puwersahin ang hilahan sa best-of-five semifinals faceoff.

 

Sasabak ang dalawang koponan sa deciding Game Five sa Smart 5G-powered AUF Sports Center Biyernes.

"The challenge going to the next game is to be a little ahead of them. So far, we've always been reacting," sambit ni coach Norman Black, na umaasang mauulit ang kaparehong nagawa kontra fourth seed San Miguel Beer sa quarterfinals.

"Just like in our battle with San Miguel, we have to win two games to move to the next stage. We're halfway through," ani Black.

Nagpamalas ng sikap at pagtitiyaga ang Bolts at muling sumandig sa kanilang ' 'no-quit spirit' upang manatiling buhay at ihatag ang sarili na makapasada sa all-Filipino finals.

Pawang dumeliber sina Hugnatan, Almazan, Chris Newsome at Cliff Hodge ng double-digit outputs, kasama sa umayuda sa krusyal na sandali sina Nards Pinto, Allein Maliksi at Aaron Black para resbakan ang Kings.

"We had a lot of guys coming in and playing their roles. As long as our guys can play their roles, we'll have a chance," ani Black.

Si Pinto na lumarga sa loob 18 minuto at mat pinakamalakibg kontribusyon sa kanyang malagkit na depensiba para habang humabol ng isang puntos sa huling 20 segundo.
The Scores:

MERALCO 83 - Hugnatan 19, Hodge 16, Newsome 16, Almazan 11, Maliksi 8, Amer 4, Pinto 3, Black 2, Quinto 2, Jamito 2, Jackson 0.

GINEBRA 80 - Pringle 18, Dillinger 15, Thompson 13, Aguilar 12, Tenorio 8, Caperal 8, Mariano 6, Tolentino 0, Devance 0.

Quarters: 26-21; 44-31; 60-64; 83-80.