PBA semis: Isang kembot na lang sa Kings

PBA semis: Isang kembot na lang sa Kings

PBA semis: Isang kembot na lang sa Kings
PBA

PBA semis: Isang kembot na lang sa Kings

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

SMART Clark Giga City - Naigawad ng Barangay Ginebra Kings ang kanilang ibayong resbak para itiklop ang Meralco Bolts, 91-84, at akuin ang manibela sa PBA Philippine Cup semifinals faceoff sa Smart 5G-powered AUF Sports Center, Linggo.

Nakuyog nitong Bjyernes, 77-95, nagawang bumalikwas ng Kings sa kaagahan ng aksiyon at panatiliing ilayo ang Bolts hanggang sa huli at angkinin ang pivotal win palapit sa target na sumubi sa best-of-seven finals.

 

Bitbit ang 2-1 lead, tatrangkuhan ng Kings ang kanilang puntiryang maisara ang serye sa Game 4, Miyerkules.

Nasagkaan sa personal league low na siyam na puntos sa Game Two, bumawi si Stanley Pringle sa kanyang pamatay na porma sa pag- iskor ng 24 points at karagdagang 9 rebounds at 6 assists sa suwabeng all-around game.

"Our main focus was to execute," sambit ni Pringle, na higit pang pagbubutihin ang paglalaro sa susunod na pagrampa.

The Scores:

BARANGAY GINEBRA 91 - Pringle 24 , Caperal 15 , Aguilar 12, ,Tenorio 12 Devance 10 , Thompson 9 , Tolentino 4 , Mariano 5.

MERALCO 84 - Maliksi 23 , Almazan 16 , Hodge 13 , Newsome 12, Amer 9 , Quinto 6 , Black 3 , Hugnatan 2 , Faundo 0 , Jamito 0 , Pinto 0.

Quarters: 27-12; 45-34; 64-52; 91-84.

 

photo by: pba.ph