LAKE BUENA VISTA, Fla. — Maaring katiting ang laro ng Houston Rockets, ngunit hindi nila ginamit ang laki para lang madetermina ang katatagan.
At sa Game 1, ang kanilang istilo ay naging sanhi ng malaking sigalot para sa Los Angeles Lakers.
Tumipak si James Harden ng 36 points at nakatakas ang Rockets sa Lakers 112-97 Biyernes ng gabi, ikalawang sunod na yugto na ang No. 1 seed sa Western Conference ay nabigo sa opener.
“It doesn’t matter how tall you are. If you have the heart and you’re a competitor you can be out there on the court,” ani Harden.
Nagdagdag si Russell Westbrook ng 24 points, 9 rebounds at 6 assists, at Eric Gordon ay may 23 points para sa Rockets, ang No. 4 seed na may isang araw lang na pahinga matapos kinailangan ang pitong asignatura para manalo sa kanilang first-round series.
Pihadong hindi nakitaan ng pagkapagal, umariba sa buong gabi para punuan ang laki ng kakulangan na kanilang kinakaharap na small-ball style. Pinuwersa ang 17 turnovers na kumadkad ng 27 points at nakipagsabayan sa bruskong Lakers maging sa backboards.LP