NEW DELHI – Ang India na ngayon ang ikatlo sa mga bansa sa mundong may pinakamaraming kasong nahawaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sumunod sa US at Brazil.
Nakapagtala ang India ng 24,248 positive cases sa loob ng 24 oras sa kabuuang 697,413, ayon sa Health Ministry.
Umakyat na ang death toll sa 19,693 na may 425 bagong namatay.
Ayon sa Indian Council of Medical Research, kabuuang 9,969,662 samples ang tested para sa sakit sa bansa na may tinatayang 1.3 billion populasyon hanggang July 5. May 180,600 kaso na ang na-test noong Linggo.
Ang tally sa pinakamatinding apektadong western state ng Maharashtra na pumalo sa 206,619 na may 6,555 bagong kasong naiulat sa huling 24 oras.
Ang kabuuang nahawaan sa Delhi -- isa pang matinding-affected state --ay nasa 99,444, na may 2,244 fresh cases ang napaulat sa isang araw.