Carlo Biado naghari sa Medalla Light ย Puerto Rico Open 10 Ball tungo sa US$25,000 top prize

Carlo Biado naghari sa Medalla Light ย Puerto Rico Open 10 Ball tungo sa US$25,000 top prize

Carlo Biado naghari sa Medalla Light ย Puerto Rico Open 10 Ball tungo sa US$25,000 top prize

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
MANILA---Pinagharian ni Carlo Biado ng Pilipinas ang  lucrative Medalla Light Puerto Rico Open, ang last leg ng world 10-ball ranking Pro Billiards Series kasama na ang hefty purse na nakapaloob matapos payukuin si  Daniel Maciol ng Poland 2-0 (4-1,4-3) sa final held na ginanap sa Puerto Rico Convention Center nitong Sabado.
Sa kanyang latest feat ay nakamit ng Filipino World champion ang title at $25,000 prize money.


Tinalo ni Biado ang lahat niyang nine matches tungo sa complete domination sa four-day tournament.
Ang dating tee boy at caddie sa Villamor Golf Club ay pinabagsak sina Bart Czapala ng Poland, 2-0; Japanese Yukio Akagariyama, 2-0; at German Ralf Souquet, 2-1 sa eliminations.
Malakas niyang sinimulan ang kanyang kampanya sa knockout round matapos ang 2-0 result sa teammate na si Johann Chua bago talunin si Taiwanese Ko Ping Chung, 2-1 sa Last 16.
Nagpatuloy ang pananalasa ng La Union native Biado ng gibain si 2021 World 10-Ball champion Eklent Kaci ng  Albania, 2-1 sa quarterfinals at Venezuelan Jesus Atencio, 2-1 sa semis.
Ito ang first individual title ni Biado sa Predator Pro Billiards Series sa season ngayon kasama na ang World team crown na nakopo nitong Setyembre kasama sina Johann Chua at Rubilen Amit.
Ang panalo ni Biado ang naisargo matapos ang fellow national team member Chezka Centeno tumapos ng runner-up sa women's side na nabigo naman kay Taiwanese Tzu Chein Wei, 0-2 sa final.
Sina Biado, Chua at iba pang Filipino cue artists ay tatapusin ang kanilang season campaign bukas sa Puerto Rico World 8-Ball.-Marlon Bernardino-