Malony naghari sa J and P 9-ball

Malony naghari sa J and P 9-ball

Malony naghari sa J and P 9-ball

Malony naghari sa J and P 9-ball

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

MANILA---Pinagharian ni Fortunato "Atoy" Malony ang prestigious J and P 9-Ball Cup 2021 tournament Sabado ng gabi na ginanap sa House Manila Pool Bar & Lounge, basement 1 ng Holiday Inn Express, Resorts World Manila sa Pasay City.


Nakapag poste si Malony ng 10-9 win kontra kay Tristan Tenio sa championship round ng tournament sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB).
Makakasama ni Malony si 2018 titlist Anthony Capco sa mga listahan ng mga nagwagi.
Dahil sa kanyang latest feat ay si Malony ay magtutungo sa Japan sa isang all expenses paid trip para mag compete sa Japan Tournament sa susunod na taon bukod sa top purse worth P40,000 ayon kay SEA Games BSCP Team Manager Jesse Gonzales Cambosa Sr. under ng leadership ni BSCP Chairman Aristeo "Putch" Puyat na kinikilalang God Father ng Philippine Billiards.
Bago makapasok sa finals ay nakaungos muna si Malony kontra kay Jojo Santos, 9-8, para makapuwersa ng titular showdown kay Tenio na namayani naman kay John Ray Arsenio, 9-7.
Ang nasabing 9-ball event ay suportado ni Ryotaro Horiuchi ng Navigator Cue Tip.-Marlon Bernardino-
Winning shot ni Fortunato "Atoy" Malony (photo credit to Albert James Manas)