Manas pasok sa J and P 9 ball q’finals

Manas pasok sa J and P 9 ball q’finals

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

MANILA---Matagumpay na nakapasok si Alberto James "AJ" Manas sa quarter-finals ng J and P 9-Ball Cup 2021 tournament Biyernes ng gabi sa House Manila Pool Bar & Lounge, basement 1 ng Holiday Inn Express, Resorts World Manila sa Pasay City.
Namayani si Manas kontra kay William Brillantes, 7-5.


Ang 14-year-old na si Manas na Grade 9 Student ng San Roque National High School sa Antipolo City ay kumpiyansa na nakopo ang 5-3 commanding lead. Subalit naka resbak si Brillantes ng kunin ang magkasunod na racks para maitabla sa 5 all ang laro. Subalit hindi na lumingon pa si Manas ng kunin ang next two racks tungo sa 7-5 tagumpay.
Sa next round ay makakalaban ni Manas si John Ray Arsenio na wagi kay JR Dela Cruz, 7-4,
“It’s going to be tough in my next match, but I believe I have a great chance to win,” sabi ni Manas na nag third place finish sa 2018 edition na pinagharian ni Anthony Capco.
Samantala ay nagtumbok din ng magkahiwalay na panalo sina Jojo Santos at Patricia Galleto para magkatapat sa round-of-eight.
Si Santos na isang entrepreneur ay iniba si Joshua Milatante, 7-3, habang ginulat naman ni Galleto si Arvin Arceo, 7-5.
Ang iba pang player na nakapasok sa quarter finals ay sina Tristan Tenio, RR Buenaventura, Malony Fortunato at John Sy.
Ang magkakampeon sa event na ito ay lilipad patungong Japan sa isang all expenses paid trip para mag compete sa Japan Tournament sa susunod na taon sa Games and Amusements Board (GAB) sanctioned tournament bukod sa top purse worth P40,000 ayon kay SEA Games BSCP Team Manager Jesse Gonzales Cambosa Sr. sa magiting na pamumuno ni BSCP Chairman Aristeo "Putch" Puyat na kinikilalang God Father ng Philippine Billiards.
Ang 9-ball eventay suportado ni Ryotaro Horiuchi ng Navigator Cue Tip.-Marlon Bernardino-
Ang winning shot ni Alberto James "AJ" Manas (photo credit to Marlon Bernardino)