NU Bulldogs sinalanta ang Adamson Falcons, 58-54
Pinisak ng National University ang
Adamson University na naging salpukan sa depensiba, 58-54, sa UAAP Season 85 men's basketball tournament, Sabado sa SM Mall of Asia Arena.
Angat lang ng dalawa, tinubog ni Mike Malonzo ang magarbong and-one kontra nakahambalang na si Lenda Douanga para ilagak ang Bulldogs sa lima bago lumapa si Joshua Yerro ng dalawang freebies para muling ilapit sa tatlo, 51-54.