Lakers 3-1 na sa serye, isa pa! 

Lakers 3-1 na sa serye, isa pa! 

NBA

Lakers 3-1 na sa serye, isa pa! 

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Pinangalandakan ni Anthony Davis ang kanyang markadong tibay sa pagtatapos ng Game 4 sa Western Conference finals. 
Sa loob ng anim na minutong natitira nagka-sprain ang kaliwang sakong ang higante ng Lakers at tila malubha ang naramdamang kirot, pero sumabak pa rin at natapos ang aksiyon para tulungan ang kanyang koponan ba hugutin ang 3-1 lead sa serye. 
 
Bagamat hindi magagarantiya na maisulong ang kanyang kalusugan. Sa kabila nang natapos ang  Game 4, opisyal na inilista ng  Lakers si   Davis bilang kuwestyunable para sa  Game 5 sa natamong sprained left ankle. Listado rin si LeBron James bilang probable na may groin injury, ngunit sinabi ni  Lakers coach Frank Vogel na ang dalawa ay kayang maglaro sa  Game 5. 
 
"They'll continue to get their treatment. Both are experiencing some soreness but they're good to go," aniya sa  reporters, Biyernes.  Ito din ang sentimyento ni Davis noong Huwebes.  
 
"My ankle feels fine," ani Davis sa Game 4. "I've got tonight, tomorrow, before the game to get it back to where it is, but it's good enough to play. I rolled it pretty bad, but not too bad. I'll be fine."
 
Si Davisay nag-averag ng 28.9 points, 9.6 rebounds at 3.6 assists sa panahon nitong stellar postseason run, at ngayon ang Lakers ay may limang na panalo tungong championship. Kung problema ang kanyang sakong, kailangang balansehin ng  Lakers ang kanyang kalusugan bitbit ang pag asa sa titulo. 
 
Sa paglaro ni  Davis at ibigay ang kanyang inaasahang usual workload sa Game 5 ay sadyang delikado, ngunit ito rin ang kanilang pinakamainam  na tapusin ang tyansa sa Western Conference finals ng maaga at maaga ring makapagpahinga si  Davis na kinakailangan bagupaman ang NBA Finals kontra alinman sa Miami Heat o Boston Celtics. (LP)