Kahit nilampaso ng Italy, Guiao bilib sa kanyang rookies

Kahit nilampaso ng Italy, Guiao bilib sa kanyang rookies

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Napabilib pa rin si Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao sa kanyang mga rookie kahit nilampaso sila ng Italy sa Fiba World Cup nung Sabado, 62-108 sa Foushan, China.

Pinuri ni Guiao ang pagpapakitang gilas nina CJ Perez at Robert Bolick sa 46-point beatdown ng Gilas kontra Italy.

Sa naturang laro, nagtapos si Perez na may 15 points, kagaya ng best performer ng koponan kagabi na si Andray Blatche.

Nagpamalas din ng kakaibang lakas sa loob ng court si Bolick, ang pinakabatang manlalaro ng koponan sa edad na 23-anyos.

Pero hindi maipinta ang kanilang mga mukha pagkatapos ng laro dahil sa kanilang pagkabigo sa sinkronisadong Italy.

Sa simula pa lamang ay hindi na maitono ng Gilas ang kanilang mga galaw at taktika sa laro.

Ilang turnovers ang kanilang nagawa at maraming saltong mga tira mula sa three-point line.

Naging bentahe sa Italy ang depensa ng koponan, dahilan kung bakit maaga silang nakapagtala ng bentahe.

Haharapin naman ngayong Lunes ang pinapaborang tropa ng Serbia.

(Louis Pangilinan)