Naitawid ng Cavitex na mahablot ang back-to-back sa PBA 3x3 First Conference Season 3 nang iglap na iwasiwas ang Pioneer Elastoseal, 22-10, para angkinin ang Leg 5 title nitong Martes sa Ayala Malls Manila Bay.
Kinalos ng dating 3x3 national player na sina Jorey Napoles at Kenneth Ighalo ang tig-pitong puntos para sa Braves, na kontrolado ang aksiyon mula sa opening tip ng 10 minutong final.
Sa mandato nina Napoles at Ighalo, umarangkada ang Cavitex sa 10-2 bentahe at hindi na lumingon pa diretso sa pag-angkin ng ikalawang sunod na yugto sa kampeonato.
May tig-apat na puntos sina Dominick Fajardo at Bong Galanza para sa Braves ni coach Kyles Lao, na nanalo ng P100,000 na papremyo.
Nauna nang dumaan ang Cavitex sa wringer at nakaligtas sa two-time leg champion Barangay Ginebra sa semifinals, 20-19.
Pero ang swabe hindi sila nakadanas ng problema pagdating ng title game laban sa upset-conscious na Elastososeal, na umareglo ng duwelo kontra Cavitex kasunod ng 18-13 win laban sa Northport sa semis.
Ito ang second runner-up finish para sa Pioneer nitong conference na nag-uwi ng P50,000.
Tinangkang iangat ng solo ni Gian Morido ang Elastoseal matapos itaktak para sa tropa ang walong puntos habang ang huling-minutong entry na si Gian Abrigo, na pumalit kay Enrique Caunan patungo sa knockout stage, ay tinagpos lang ang solong isang puntos.
Nakabalik naman sa podium ang Barangay Ginebra makaraang ilaglag ang Northport, 21-18, para sa ikatlong puwesto at ang P30,000 cash prize.(Louis Pangilinan/PBA)