Bubble games  target ng MPBL para wakasan ang 3rd season

Bubble games  target ng MPBL para wakasan ang 3rd season

Bubble games  target ng MPBL para wakasan ang 3rd season

MANILA –Target ngayon ng  Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang posibilidad na tapusin ang kanilang ikatlong season sa loob ng bubble.

 

Sinabi ni Commissioner Kenneth Duremdes nitong Martes na ang regional league ay naghahanap para sa bubble kung saan nagpaplano din ang Philippine Basketball Association (PBA) bago gumawa ng susunod na hakbang.

 

"Tinitignan namin ang (We are looking at the) PBA 'coz they have to lead us," sambit ng PBA legend sa isinagawang online Philippine Sportswriters Association Forum.

 

Sa apat na tropa ang nalalabi para sa karera sa titulo, na karakang natulos sa dalawa, naniniwala si Duremdes na ang pagtakda ng MPBL bubble ay magiging madali para sa kanila.

 

"Mas madali siyang i-control, but kailangan pa rin ng safety protocols, " aniya patungkol sa panuntunan na itatakda sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

Inihayag ng MPBL noong Marso 12 na ang pagpapaliban ng  season ay nanatili sanhi ng pandemya.

 

Bagupaman ang suspension, ang Davao Occidental at Makati ay tinalo ang Basilan at  San Juan, ayon sa pagkakasunod sa Game 2 ng division finals, na naghatid sa dalawa sa  best-of-three series sa playoff.

 

Ang mananalo sa rubber matches sa national semifinals ay magsasalpukan sa best-of-five finals, ibig sabihin tanging lima sa pitong asignatura   lang ang ilalaro sa loob ng plinanong MPBL bubble.

 

Ani Duremdes ang MPBL, na hindi saklaw ng Games and Amusements Board, ay naghihintay lang  ng opisyal na pahayag mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para sa pagpapatuloy ng pag eensayo at kasunod ng pagsasagawa ng playoffs.

 

Samatala, ibinunyag ni Duremdes ang tatlong kandidato para sa venue ng bubble, ang Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, isang hindi pinangalanang lokasyon sa Subic, at sa  rest house ni Former President Erap Estrada sa Tanay.

 

Gayundin, tinitingnan din ang Quezon City at Subic na maging venues para sa PBA bubble, bagamat sinabi ni Commissioner Willie Marcial na ang shortlist ng tatlong di binunyag na lokasyon ay inihahanda na.

 

Patungkol sa live viewing ng mga laro, sinabi ni Duremdes na ang MPBL bubble ay magiging streamed live sa league's Facebook page buhat nang ang  ABSCBN, ang lead broadcaster ng mga laro ay kasalukuyang off the air dahil sa pagbasura ng kongreso na makakuha ang broadcast giant ng panibagong prangkisa. (LP/PNA)