Tiger pawnpushers agad na umalagwa

Tiger pawnpushers agad na umalagwa

Tiger pawnpushers agad na umalagwa

 
Inilatag ng University of Sto. Tomas ang perpektong umpisa sa kanilang kampanya sa UAAP Season 85 Men's Chess Championships sa bisa ng impresibong 4-0 win kontra Ateneo de Manila University Sabado sa FEU Diliman Sports Complex.
 
Inaruga ni reigning Board 1 bronze medalist Julius Gonzales ang dominanteng pagwalis gamit ang entrada ng pawn sa   a-file para iiskor ang agarang panalo gamit ang puting piyesa sa  31-move Old Benoni Defense laban kay   Joshua Tan ng Ateneo.
 
Sa Board 3, naisalta din ni Brylle Gever Vinluan ang panalo sa paglaro ng puting piyesa sa kaparehong ratsada,
na bumangko sa pawn sa e-file upang pilitin si Hans Jeremy Reyes na magbitiw pagkatapos ng 40 sulong ng Slav Defense.
 
 
Kinumpleto ng season 84 silver medalists na sina Melito Ocsan Jr. (Board 2) at Lee Roi Palma (Board 4) ang commanding win sa tumpak na endgame plays laban kina Christopher Khalil Kis-ing at Paul Mathew Llanillo, ayon sa pagkakasunod.
 
 
Ang University of the Philippines, na nagtapos ng runner-up sa Season 84, ay nanatili sa loob ng striking distance ng mga lider ng liga matapos na ipilit ang kanilang angas sa bisa ng 3-1 win laban sa Adamson University.
 
Naitala ni Mark James Marcellana ang unang panalo para sa Maroons sa Board 2 sa kabila ng paglalaro ng mga itim na piyesa sa 37 moves ng London System.
 
Ang Fide-Master na si Stephen Rome Pangilinan ay sumali sa bulto matapos magsagawa ng isang rook sacrifice para mabitag ang queen  sa Board 1 at nagpakawala ng hindi mapigilang pag-atake na nagtulak kay Vince Albert Arellano ng Adamson na sumurender.
 
Pagkatapos hinati nina Michael Johann Olladas at Jan Darryl Batula ang mga puntos kasama sina John Frederick Sunga ng Adamson at Alfonzo Louis Olendo, ayon sa pagkakasunod, para kumpletuhin ang panalo. (Louis Pangilinan/UAAP)