Wesley So sabak sa Fischer Random World Championship 

Wesley So sabak sa Fischer Random World Championship 

Wesley So sabak sa Fischer Random World Championship 

Napag-alaman na ni Wesley So ang kumpletong listahan ng mga manlalaro na hahamon sa kanya para sa  Fischer Random world title, na isusulong sa  Reykjavik mula  25–30 ng Oktubre.
 
May  prize fund  USD 400,000, ito ang ikalawang edisyon ng FIDE World Fischer Random Championship, isang disiplina na opisyal na kinikilala ng  International Chess Federation taong 2019.
 
"I am so excited to be competing in Fischer Random again! And in Iceland! It couldn't be more special than to compete in that particular place, defending my title against the best players in the world. To play in Reykjavik, fifty years after the match between Fischer and Spassky, gives it a historical perspective that cannot be matched," reaksyon ni  Wesley So.
 
Kasama ng  reigning Champion dito sa  variety of chess, si 29-year-old Wesley So mula USA, ang current World Champion at World's number one sa Classical Chess, si Magnus Carlsen, ay nakatakda ring  sumabak.
 
Ang  Norwegian ay awtomatikong kuwalipikado bilang naging runner-up sa nakaraang  edisyon, na ginanap sa Oslo. Sina Ian Nepomniachtchi, Hikaru Nakamura, Vladimir Fedoseev, Nodirbek Abdusattorov, Matthias Blübaum at Hjörvar Steinn Grétarsson ang kumumpleto ng listahan para sa kapanapanabik na event na ibu-broadcast ng live ng NRK, ang pinakamalawak na  media organization sa Norway, at  RUV, ang Iceland's major national broadcast company.