Minsa'y winika ng ating Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal ang mga katagang โAng kabataan ang pag-asa ng bayanโ.
Kung ito ang mga katagang namutawi noon pa man, ay nakatatak na hanggang sa kasalukuyan. At para ipagdiwang ang kakayahan ng mga kabataan sa pagdadala ng pagbabago para sa ikabubuti ng lipunan, inilunsad ni Quezon City District 4 Councilor Hero Bautista ang 1st Hero Youth Achievement Awards.
Ang naturang parangal ay bahagi ng mga nakabatay sa proyektong pang-edukasyon ni Bautista at umaasa itong maituon ang pansin sa mga mag-aaral na nagtiyaga at nagtagumpay laban sa lahat ng mga naranasang pagsubok sa kanilang buhay.
Ang mga mananalo ay pagkakalooban ng mga laptop para matulungan sila sa kanilang mga online na klase at workload sa paaralan.
โEducation is one of my priorities for the youth. I experienced how difficult it is to have financial challenges when I was in college and through this program, I hope that deserving students would be given the tools to help them succeed in their academics,โ ani Konsi Hero. RMP