China may 69 bagong Covid-19 cases

China may 69 bagong Covid-19 cases

China may 69 bagong Covid-19 cases

Iniulat ng mainland China na may 69 bagong kaso ng COVID-19, Sabado (Jan 9), higit na doble sa naunang nabalitang 33 kaso, pahayag ng national health authority ng bansa.


Linggo namang naiulat ang 29 new COVID-19 cases sa Singapore, ayon sa Ministry of Health (MOH).

Lahat ay pawang imported infections, at inilagay sa on stay-home notice o isolated, paglapag sa Singapore. Sumailalim sila sa testing habang binubuno ang kanilang stay-home notice o during isolation.

Sinabi ng National Health Commission sa kanilang daily bulletin na ang 21 sa mga bagong kaso ay mga imported.

Ang bulto ng locally transmitted cases, 46 out of 48, ay sa Hebei, ang probinsiyang napapalibutan ng Beijing na pumasok na "wartime mode" nitong linggo kung saan nilalabanan ang bagong cluster ng coronavirus infections.

Panibagong 27 asymptomatic cases ang naiulat din nitong Sabado, bumaba buhat sa naunang 38 . Hindi klinasipika ng China itong mga pasyente na nahawaan ng SARS-CoV-2 virus na naging sanhi ng karamdaman ngunit hindi pa nagpapakita ng anumang sintomas ng COVID-19, bilang kompirmadong kaso.

Sa ngayon ang mainland China ay nakapagtala ng kabuuang 87,433 kumpirmadong kaso ng coronavirus, na may 4,634 deaths.(LP)