CBA 2nd edition, biyaheng Pampanga

CBA 2nd edition, biyaheng Pampanga

 

  Games Sunday:

(Bren Z. Guiao Sports Complex)

1 p.m. -- Palayan vs. Manila

3 p.m. --      Mabalacat vs. RIZABA 

 

ILALATAG ng Community Basketball Association (CBA) ang kanilang 2nd season sa gagawing pagdayo sa Mabalacat, Pampanga sa darating na Linggo,  Okt. 27.        Dalawang malaking laro -- Palayan, Nueva Ecija vs Manila at host Mabalacat vs Rizaba -- ang kaagad isasalang simula 1 p.m. sa harap ng inaasahang madaming manonood sa Bren Z. Guiao Sports Complex. 

     "Handang-handa na ang lahat. Ang buong bayan ng Mabalacat ay naghihintay na sa pagbubukas ng CBA 2nd season,"  pahayag ni Books Fabello ng Mabalacat sa 45th "Usapang Sports" sa National Press Club sa Intramuros kahapon.      "Bilang punong-abala, umaasa kami na magiging kapanapanabik ang unang pagdalaw ng CBA sa Mabalacat," dugtong pa ni Fabello,  na kumatawan kay Mayor Cris Garbo.      Ipinahayag ni Fabello na lalaro din sa Team Mabalacat si Mayor Garbo.   

   "Mahal talaga ni Mayor Garbo ang basketball kaya gusto nya makasama at lumaro sa team,"  paglalahad pa ni Fabello,  na sinamahan ni assistant coach  Jordan Siray sa weekly forum na sinusuportahan din ng Philippine Sports Commission,  National Press Club, PAGCOR,  CBA at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.     

       Dumalo din sa forum sina San Miguel-Alab Pilipinas coach Jimmy Alapag  at kanyang mga players, CBA president Carlo Maceda at ang California School-Antipolo, na pinakabagong miyembro ng Community Volleyball Association.PR