Jimmy Alapag, Alab papagpag sa TOPS

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Oscar Valdez-Liam Valdez Showdown to be Contested for WBO Interim Junior Lightweight World Title

    The stakes have just gotten higher, When Oscar Valdez and Liam Wilson face off this Friday at...

    Jimmy Alapag, Alab papagpag sa TOPS

     

    LULUSOB  ngayon ang San Miguel Beer-Alab Pilipinas basketball team, sa pangunguna ni coach Jimmy Alapag, sa ika-45 "Usapang Sports" ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

    Ilalahad ni Alapag, nagsisilbi ring team captain ng Gilas Pilipinas at assistant coach ng San Miguel sa PBA, ang magiging tsansa ng Filipinos sa 2019-20 season ng Asean Basketball League (ABL) na magsisimula sa Nobyembre Nov. 16.

    Itinalaga ang 41-anyos na si Alapag, kilala bilang "Mighty Mouse" sa kanyang playing days sa PBA, bilang head coach ng Alab noong Agosto 2017 at pinamunuan ang Rah Parks-led team sa 2018 ABL championship sa paggiba sa Mono Vampires ng Thailand, 3-2, sa best-of-five series noong Abril 22-Mayo 2, 2018.

    Inaasahang makakasama ni Alapag ang ilan sa kanyang mga manlalaro. Inimbitahan din sa 10 a.m. public service program na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ang Mabalacat Clark Global City Tribes, ang pinakabagong miyembro sa paghataw ng CBA 2nd Season sa Oct. 27.

    Mangunguna sa Team Mabalacat ay sina playing Mayor Cris Garbo at team officials Books Fabello at Michael Sumang. Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng mga opisyal at mga miyembro, maging ang mga kaibigan sa sports community na dumalo sa session na napapanood ng live sa Facebook via Glitter Livestream. (PR)