Gumarahe ang reigning NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks sa Game 4, Linggo sa Eastern Conference semifinal series kontra Miami Heat matapos danasin ang sprained right ankle.
Palusot si Antetokounmpo sa basket may 10:18 ang nalalabi sa second quarter, nang tangkaing makalusot kay Andre Iguodala ng Miami.
Bumagsak siya at namilipit sa sakit habang hawak ang masakit na bukong-bukong.
Hindi naman agad nagpabaya ang naroon sa bench ng Bucks at pinalibutan siya ng may pag-aalala.