GAB, inilantad ang IATF protocol para sa boxing at combat sports

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Oscar Valdez-Liam Valdez Showdown to be Contested for WBO Interim Junior Lightweight World Title

    The stakes have just gotten higher, When Oscar Valdez and Liam Wilson face off this Friday at...

    GM Joey Antonio 20 puntos tumulong sa PTC World Basketball team na manalo laban sa IIEE 97-90

    ni Marlon BernardinoGinawa ni Chess Grandmaster Rogelio "Joey" Antonio Jr. ang mga krusyal na...

    Mendoza naghari sa GMG Youth Open rapid chess championship

    Mendoza naghari sa GMG Youth Open rapid chess championshipby Marlon BernardinoNaghari sa...

    GAB, inilantad ang IATF protocol para sa boxing at combat sports

    Inilatag ng Games and Amusements Board (GAB) ang mahigpit na mga panuntunan na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Diseases alinsunod sa Joint Administrative Order (JAO) 2020-0001 na binuo ng GAB, Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Health (DOH).

    Sabi ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, ang professional Boxing/Mixed Martial Arts/Muay Thai/Kickboxing events/promotions ay pinapayagan na sa bansa matapos aprubahan ng IATF ang isinumiteng programa sa JAO.

    “Ang professional Boxing/MMA/Muay Thai/Kickboxing events/promotions ay pinapayagan sa mga lugal/LGUs, na kung saan ay napapailalim sa Modified General Community Qurantine (MGCQ),” pahayag ni Mitra.
    “Kailangan pong umattend ng Covid-19 Basic Inspection Control and Safety seminar na isa sa mga kinakailangan para makakuha ng Permit sa GAB. Ang seminar po ay inorganisa ng GAB at karaniwang binibigay online kada Miyerkoles sa Kamustahan sa GAB. Lahat po ng may lisensya ng GAB ay kailangang umattend ng seminar,” aniya.
    Iginiit ni Mitra na matapos ang pagdalo sa seminar, kailangan maisumite sa GA ang mga sumusunod:
    a) Sulat para pormal na paghingi ng GAB Permit, kung saan binabanggit ang lokasyon ng event/promotion.
    b) Kumpletong Fight Card, na pirmado ng Promoter and Matchmaker.
    c) Eksaktong numero at listahan ng mga taong kasali/kasama o dadalo sa professional Boxing/MMA/Muay Thai/Kickboxing event/promotion, nakasulat ang kanilang pangalan, address, numero ng telefono (dapat kasama rin sa listahan ang lahat ng kasamang lisensiyado ng GAB, Boxers/Fighters, Seconds, Officials at Miyembro ng Promoter’s Team, kasama na ang dinesigneyt na health and safety officer).
    d) Kinakailangan po ng health permit clearance/s sa bawat kasali/kasama galing sa LGU ay kailangang i-secure bilang parte ng mga kinakailangang isumite sa GAB.
    Ayon sa dating Palawan Governor at Congressman, limitado sa limang laban ang pinapayagan ng JAO/IATF sa kada promosyon at ipinagbabawal ang live audience/
    “Hindi po pinapayagan ng JAO 2020-0001 ang interzonal movement/travel (pagbiyahe) ng mga kasali/kasama na magmumula o mangagaling sa lugar/LGU na may mas mataas ng risk categories kagaya ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) o General Community Quarantine (GCQ) papunta sa lugar ng professional Boxing/MMA/Muay Thai/Kickboxing event kung saan ay may mas mababang category na Modified General Community Quarantine (MGCQ),” litanya ni Mitra.

    Ipinapatupad din ng GAB ang health and safety protocol tulad ng mga sumusunod: Zoning/floor plan ng venue; Markings sa venue; Kundisyon na ligtas ng venue (may tamang bentilasyon, may bintana, may hanging nakakadaloy ng maayos, etc.); Naayon sa kalusugan at ligtas na mga kagamitan (kaayusan at posisyon ng mesa para GAB officials o ring officials, etc.), Pagsiguro ng lugar o pasilidad o hotel para sa quarantine, na responsibilidad ng Promoter na siguruhin (mga kuwarto na nakadesigna ay dapat i-sumite at ipakita sa team para tignan at pag-aralan).
    Para sa karagdagang detalye, hiniling ng GAB sa lahat ng direktang sangkot sa industriya na makipag-ugnayan sa tanggapan ng ahensiya.