Nakatakdang idepensa ni dating World Youth Championship campaigner Karl Victor Ochoa ng Bulacan ang tangan na titulo sa pagtulak ng pinakahihintay na Honorable Counselor Dra. Doray Delarmente online chess tournament sa Agosto 28, Biyernes, 8:30 pm sa lichess.org na isasagawa kaalinsabay ng pagdaraos ng birthday celebration ni Counselor Dra. Doray
Si Ochoa ang nagkampeon sa Honorable Counselor Dra. Doray Delarmente online chess tournament nitong Hunyo 30, 2020. Si Ochoa na may handle na Karl Ochoa sa Lichess ay tumapos ng 62 points mula sa 26 games na may win rate 77 percent at performance rating 2460 para magkampeon sa event na inorganisa ng Manresa De Ajedres Chess Club na nasilayan ang 219 players.
Ang free registration online tournament ay may time control two minutes kung saan ang mga kalahok ay paramihan ng panalo sa laro na may 90 minutes of play ayon kay Alpert Murillo, Owner at Founder ng Lakbay Lakay Travel & Tours..-