Isang Joint Administrative Order sa pagitan ng Philippine Sports Commission (PSC), ang Games and Amusement Board (GAB) at Department of Health (DOH) ay inilabas Lunes, ang mga patakaran sa pagsasagawa ng physical at sports activities sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Nahimasmasan si PSC Chairman Butch Ramirez nang maipinalisa ng JAO makaraan ang higit 'sang buwang kolaborasyon sa parehong ahensiya.
“We all recognize the importance sport plays in building one’s strong immune system, what we just wanted to ensure was that they keep safe and away from the virus while they are doing it,” paliwanag ng sports chief.
Nilagdaan ni Ramirez, ang joint issuance kasama sina GAB Chairman Abraham Mitra at DOH Secretary Francisco Duque III. Nakapaloob dito ang non-professional sports sa ilalim ng hurisdiksiyon ng PSC, professional sports sa mandato ng GAB, professional at non-professional persons sa sports tulad ng athletes, coaches, trainors, promoters at ibang mga partido na kasama sa pagsagawa ng sports gaya ng venue management, local government units, schools at pinagtatrabahuhan.
Ang mga kondisyon at rekisitos para sa pagsasagawa ng sports ay ibinigay para sa limang severity ratings na atin ngayong inoobserbahan sa mataas na lebel ng panganib (enhanced community quarantine or ECQ) sa mga lugar na kinokonsiderang may mababang mahawaan o yung nasa klasipikasyon ng nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Sinabi ni PSC National Training Director Marc Velasco, technical working group ng ahensiya na nanguna dito sa tripartite partnership na habang ang lahat ng partido ay nilillikha na maisaayos ang guidelines, inaasahan nilang mapagbuti ito sa panahon ng health crisis na nasa ating mga kamay.
“It is a work in progress, but we are happy that we finally have an official issuance which recognizes the importance of sport in this pandemic. This will help hasten our moving forward.”