Cebu City: Home quarantine hindi na pwede para sa may kaso ng Covid-19

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Gulf Coast Triumph: Jared Anderson Dominates Ryad Merhy

    Jared "The Real Big Baby" Anderson did not have a particularly eager opponent in Ryad Merhy, but...

    NM Ferriol 2nd sa Penang Open Chess

    by Marlon BernardinoGeorgetown, Penang, Malaysia---Nagwakas nang malakas si National Master Gerald...

    The Lakers secure a playoff berth with 110-106 win over the Pelicans

    LeBron James had 23 points, nine assists and nine rebounds, and the Los Angeles Lakers secured a...

    Cebu City: Home quarantine hindi na pwede para sa may kaso ng Covid-19

    MANILA – Mahigpit nang pinagbabawal sa mga residente ng Lungsod ng Cebu na positibong nahawaan ng Covid-19 ang sumailalim lang sa home quarantine.

    Sa panayam kay DILG Secretary Eduardo Año, vice chairperson ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), sinabi nitong maraming residente ang nagpa-home quarantine ngunit mas madalas na lumalabag sa protocols na nagiging sanhi ng pagkahawa sa komunidad.

    "Dapat wala munang home quarantine, lahat ng positive ay ilalagay sa facilities. Pag naka-home quarantine yan, maraming violation yan at hindi talaga yan maipatutupad ng maayos, dapat talaga i-extract mo ang lahat ng positive, ilagay natin sa isolation facility," sabi ni Ano.

    Binanggit pa ni Año na napaka-"supportive" ni Cebu City Mayor Edgar Labella sa mga panuntunan kung saan ang pamahalaang lungsod ay pinagagana din ang lahat ng kanilang mapagkukunan para mapunuan ng todo ang mga situwasyon ng paglaban sa virus.

    Tinuran din ni Año ang kailangan para sa mas istriktong pagpapatupad ng mga checkpoint at health protocols kung saan maraming residente ang hindi nagsusuot ng face masks at hindi nasusunod ang physical distancing.

    Nagkaroon sila ng isang priority na sana buksan ang economy pero at the end ay dumami yung movement at dumami rin yung (rate of) contamination," aniya.

    Napakinggan si Environment Secretary Roy Cimatu na siyang namuno para labanan ang Covid-19 sa siyudad, ani Año, tiwala siya (Cimatu) na magbabago ang kalagayan sa Covid-19 sa loob ng dalawang linggo: "if everyone will cooperate". (LP/PNA)