MILO Marathon NCR Leg: Lapiz, Abella muling nagparamdam para sa titulo 

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Popovich will return after recent medical episode

    The San Antonio Spurs are unsure when, or if, Gregg Popovich will return as coach this season.

    DLSU Hang On To Beat FEU 58-53

    De La Salle University still found a way to defeat Far Eastern University through the fourth...

    MILO Marathon NCR Leg: Lapiz, Abella muling nagparamdam para sa titulo 

    Muling nagpakitang-gilas ang kapuwa Cebuano na sina Florendo Lapiz at Lizane Abella matapos dominahin ang 42K event ng 2024 MILO National Marathon NCR leg na ginanap sa Mall of Asia grounds sa Pasay City, Abril 28.
    Pinagharian ng Carcar native na si Lapiz ang men’s division sa oras na dalawang oras, 42 minuto, at 33 segundo, higit pitong minutong mas mabilis sa silver medallist na si Salvador Polilio, na nagtala ng oras na 2:49:54. Tumapos namang ikatlo si Welfred Esporma sa bilis na 2:58:51.


    Sa distaff side, umariba si Abella sa huling sampung kilometro ng labanan dahilan upang makopo ang titulo sa women’s division sa bilis na 3:21:05 at maungusan ang last year’s Manila leg winner Maricar Camacho, na nakatawid sa finish line sa oras na 3:11:13.Nakamit naman ni Jewel De Luna ang bronze medal sa oras na 3:27:05.


    "Pag dito kasi, kailangan galingan mo talaga. Gagawin mo talaga ang best mo sa laro na ito. Pero ito ang hilig namin eh. Manalo man o matalo, tanggap namin iyon,” sabi ni Lapiz, na nakabawi matapos ang silver-medal finish noong nakaraang taon.


    Inamin naman ng tubong Minglanilla na si Abella na ang kanyang tatlong anak ang naging inspirasyon niya para manalo sa kompetisyon. 


    “Pinaghirapan ko talaga itong race na ito,” ani Abella, na tumapos na ikatlo noong 2017 at 2023. “Pinush ko talaga ang sarili ko para manalo ako. Inaalay ko itong panalo ko sa mga anak ko.”
    Bunga ng tagumpay, nakamit nina Lapiz at Abella ang P50,000 cash prize at mga ticket tungo sa National Finals na gaganapin sa Cagayan de Oro City sa Disyembre 1. 


    Samantala, nakamit ng Camarin D. Elementary School, Signal Village National Highschool, at Colegio de San Juan de Letran ang kampeonato sa kanilang mga dibisyon sa Cheerdance competition na ginanap matapos ang karera.
    Nakuha naman ng Jose Rizal University ang award bilang may pinamalaking delegasyon sa kompetisyon.


    Ang taunang takbuhan ay handog ng MILO, na nagdiriwang ng ika-60 anibersaryo sa Pilipinas. Mahigit 20,000 mananakbo ang nakilahok sa iba’t ibang distansiya na 1K, 3K, 5K to 10K, 21K, at 42K.