Dela Cruz ginto sa men’s 10,000-meter walk

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Victor Wembanyama, ROY 2023-2024

    San Antonio’s Victor Wembanyama was a unanimous selection for the NBA’s All-Rookie team this...

    2024 PFL EUROPE CHAMPIONSHIP EVENT SET FOR DECEMBER 14, LYON FRANCE

    The Professional Fighters League (PFL), the fastest growing and most innovative sports league,...

    BIGGER THAN BASKETBALL: FIGHTING MAROONS GIVE BACK TO INDIGENOUS COMMUNITIES IN BUTUAN

    UP President Atty. Angelo "Jijil" Jimenez unveiled the new motto of the University of the...

    Dela Cruz ginto sa men’s 10,000-meter walk

    by Marlon Bernardino
    Binuksan ni Vincent Vianmar Dela Cruz ng University of the East ang Day 2 ng  International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) Philippine Athletics Championships 2024 na may gintong medalya sa men’s 10,000-meter walk (Open) na ginanap sa Philsports Oval sa Pasig City nitong Huwebes, Mayo 9.


    Ang 23-anyos na si Dela Cruz ay isang ipinagmamalaking anak ng San Miguel, Bulacan. Ito ang kanyang ikatlong ginto sa Philippine Athletics Championships matapos manalo ng kanyang unang titulo noong 2017 sa 5,000m walk at 10,000m walk gold noong 2019.
    Habang Inangkin ng dalawampu't dalawang taong gulang na si Jamela De Asis ng University of Santo Tomas ang gintong medalya sa women shot put Open category.
    Huling kinatawan ni De Asis ang Pilipinas sa 2023 Cambodia SEA Games, ngunit natanggal sa lineup matapos mabigong mapanatili ang pambansang pamantayan.
    Ito ang kanyang ikalawang taon sa pagsabak sa Philippine Athletics Championships, at umaasa siyang madoble ang kanyang tagumpay kapag sumabak siya sa women’s hammer throw event.
    Ipinamalas naman ni national team sprinter Frederick Ramirez ang husay ng mga homegrown matapos nitong iuwi ang gintong medalya sa Men's 400m (Open) Final.
    Ginapi ni Ramirez, na miyembro ng record holder na 4x400m relay team, sa pagtatala ng 46.81 tiyempo ang dayuhan na Kailen Perry na nakapagsumite ng 47.50 segundo habang pumangatlo ang kakampi nito na si Michael Carlo Del Prado sa National Team na may 47.54 oras.


    “I would like to express my gratitude to those people behind this success specially to God, thank you for guiding me all throughout. Lord thank you for the strength and power that you gave. I know that there are lots of challenges and it's not easy but thankfully I made it,” emosyonal na sabi ni Ramirez.
    “Alam ko na marami akong pagsubok sa buhay at minsan nawawalan na ako ng pagasa dahil marami na akong breakdowns na pinagdaanan and I'm so great full because I have JRU coaches who pushed me to be better and to do things na magiging proud ako sa sarili ko. Hinding hindi ako magsasawang magpasalamat to my coaches George Noel V. Posadas  Elma Muros Posadas  Bato Abangan Ace Ronx  Julius Nierras   Melbert Diones  and my manager Jun Basas Esturco,” sabi pa ni Ramirez.


    Una na ikinamada ni Ramirez ang personal best na 46.53 para tumapos na 5th place sa Asian Championships upang matala na ika-4th sa All-Time list sa Pilipinong 400m runners. Una dito sina Phi Record Holder at 2x Asian Champion Isidro Del Prado, 2017 SEA Games 400m Champion Trenten Beram at Fil-Heritage athlete UMajesty Williams.


    Samantala ay ang dating Olympian na si Eric Cray ay nangangarap na makipagkumpetensya at magtakda ng bagong personal na pinakamahusay sa men's 400m hurdles ngayong Biyernes.
    Umaasa ang six-time SEA Games champion na pagbutihin ang kanyang season best na 49.8 segundo o mas malapit sa Olympic qualifying standard na 48.7 segundo.


    Ang limang araw na kaganapan (Mayo 8-12, 2024), na inorganisa ng Philippine Athletics Track and Field Association -PATAFA na pinamumunuan nina President Terry Capistrano at Secretary-General Jasper Tanhueco sa pakikipagtulungan sa Philippine Sports Commission-PSC na suportado ng International Container Terminal Services, Inc. Foundation, MILO Philippines, CEL Logistics Inc., Pocari Sweat Philippines, SIP Purified Water, Wireless Link Technologies Inc. (WLTI), United Auctioneers Inc., Masiv Sports, Victory Liner, AAI Worldwide Logistics, Inc. at Filam Sports.-Marlon Bernardino-