UAAP Beach Volleyball  Golden double sa Tigresses 

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    PH PRIDE: Filipino chess master Lorenzo Aaron Cantela naghari sa Thailand Chess tourney

    by Marlon BernardinoManila---Nagwagi kamakailan si Lorenzo Aaron Cantela, isang national master sa...

    UAAP Season 86 Men’s Football Tournament

    NINE-MAN University of the East achieved its most significant result of the UAAP Season 86 Men’s...

    PROFESSIONAL FIGHTERS LEAGUE SIGNS HOTTEST FREE AGENT IN ALL OF MMA, PAUL HUGHES, TO EXCLUSIVE, MULTI-FIGHT CONTRACT

    The Professional Fighters League (PFL), the fastest-growing and most innovative sports league, is...

    UAAP Beach Volleyball  Golden double sa Tigresses 

    UAAP Beach Volleyball
     
    Golden double  sa Tigresses 
     
    Nasakote ng University of Santo Tomas ang National University para kumpletuhin ang isa pang golden double sa UAAP beach volleyball tournament sa Sands SM By The Bay nitong Martes.
     
    Giniba nina Gen Eslapor at Babylove Barbon ang first-time finalists na sina Honey Grace Cordero at Kly Orillaneda, 21-15, 21-16, para bigyan ang Tigresses ng five-peat.
     
    Muling iginiit nina Jaron Requinton at Rancel Varga ang kanilang dominasyon kina James Buytrago at Pol Salvador, 21-16, 21-14, para palakasin ang Growling Tigers sa ikaapat na magkakasunod na titulo.
     
    Ang pinakamatagumpay na programa ng liga sa isport, nakuha ng UST ang ikawalong korona ng kababaihan at tinaas ang kabuuang kampeonato ng kalalakihan sa pito.
     
    "Sobrang saya and thankful po kami sa mga coaches (Paul Jan Doloiras and Romnick Rico) po namin kasi sila ang naghubog ng talento namin. Kaya yung success po, sa kanila po talaga mapupunta. Sa mga coaches po namin," sabi ni Requinton, na itinanghal na season MVP award.
     
    "Kasi kung hindi dahil sa kanila, sa mahihirap na training na ginawa sa amin, hindi naman kami aabot sa championship at tsaka hindi namin makukuha ang five-peat at four-peat sa beach volleyball," ani pa ng national team mainstay.
     
    Natuwa rin si Requinton na tulungan ang Growling Tigers na manalo ng dalawang titulo sa loob ng isang taon, dahil tinalo din nila ang Bulldogs sa Season 84 Finals noong summer.
     
    "Hindi ako makapaniwala na six months po yung agwat. Nakakapagod literal kasi sa national team, defender po ako pero pagdating sa UAAP blocker po ako. Malaking adjustment ang ginawa ko sa akin. Sobrang hindi ako makapaniwala yung mga nangyayari po kanina sa loob ng court para po sa akin,"dagdag pa ni Requenton. 
     
    Labis ang kagalakan ni Barbon, na nakakuha ng kanyang ikalawang sunod na MVP,  na ipagpatuloy ang panalong legasiya ng Tigresses, nanalo ng 37 sunod-sunod na laban mula noong 2016.
     
    "Kasi yung goal namin is makuha yung championship and iyon po ang nagawa namin ngayon. Pinagtrabahuan namin ng ilang taon at ito ang bunga ng paghihirap namin," ani Barbon.
     
    Hindi naglaro sa Season 84 ang women's competition, at naramdaman ni Barbon na sulit ang paghihintay para sa UST na ipagpatuloy ang dinastiya na sinimulan ni Sisi Rondina.
     
    "Sobrang saya po kahit nag-pandemic. Nagawa pa rin namin ng paraan na makapag-training kami at nagagawa ng paraan na makuha po yung goal namin, which is yung championship," sambit pa ni Barbon.
     
    Walang talo ang UST sa siyam na laban ng women's at men's. (Louis Pangilinan/UAAP)