Naiposte ng Ateneo at University of Santo Tomas ang kani-kanilang puwesto sa men's at women's finals ng UAAP Season 85 Table Tennis Tournament matapos pabagsakin ang kanilang magkakahiwalay na oposisyon sa semifinals, Biyernes sa Makati Coliseum.
Pinaluhod ng doubles tandem nina Zherdel Fresco at Andrew Uy sina Jhon Balucos at John Lagorra ng Adamson University sa tatlong laro, 11-5, 11-7, 11-6, para ipasok ang Blue Eagles sa kauna-unahang UAAP Finals appearance ng paaralan sa palakasan.
Sinimulan ni rookie Mahendra Cabrido ang araw para sa Ateneo sa pamamagitan ng pagwalis kay Paolo Monforte, 11-5, 11-5, 11-8, sa unang singles match bago ilatag ni Andrew Uy ang kanyang koponan ng 2-0 lead sa 8-11, 11 -7, 11-4, 7-11, 11-4 marathon laban kay Jed Villaviray.
Nauna nang giniba ng Soaring Falcons ang tournament host na De La Salle University sa semifinals berth, kumuha ng malaking 3-2 come-from-behind win sa kanilang stepladder first-round meeting.
Tinalo ni Warren Polido si Christian LJ Crisostomo, 11-7, 11-9, 11-4, para bigyan ang Adamson ng puwesto sa podium sa tersera puwesto.
Hindi pinapiyok ng reigning women's champion na UST Lady Paddlers ang kanilang Season 82 runner-up na Ateneo na makapasok sa finals bilang kahalili nila, tungo sa 3-2 desisyon sa semifinals.
Tinaob nina Kathlyn Gabisay at Ciara Derecho ng UST sina Ana Calvo at Kathleene Bulaquena, 11-7, 11-8, 5-11, 10-12, 11-9 sa doubles rubber, bago naisalba ng Season 82 Rookie of the Year na si Kaela Aguilar ang season ng Ateneo na may komportableng 11-6, 11-5, 11-6 win laban kay Trystal Cagande para ibuhol ang pagkakatabla sa tig-dalawang laro.
Pagkatapos namayani si Corrine Cartera kay Ma. Elira Docto sa unang dalawang laro ng deciding single match, 11-4, 11-6, bago nadaig ang Blue Eagle sa ikatlong laro sa 15-13, para bigyan ng crack ang UST sa pagtatanggol sa titulo nito.
Nauna nang pinabagsak ng Lady Paddlers ang magkaribal na Far Eastern University sa unang round 3-1 kung saan nakuha ni Derecho ang tie-clinching win, 11-4, 8-11, 11-5, 11-7, laban kay Aizel Rom para umakyat sa ladder laban sa Ateneo.
Tinapos ng women's team ng Ateneo ang season sa ikatlong pwesto. (Louis Pangilinan/UAAP)