Blue Eagles,  Fighting Maroons nagpasiklab, 2-0 kapwa tinatak!  

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Blue Eagles kinandado ang top spot sa 'F4'

      Sinigurong maselyuhan ng Ateneo de Manila University ang top spot sa UAAP Season 85 men's...

    MANNY ROBLES REVEALS WHAT FREDDIE ROACH SAID ABOUT HOVHANNES BACHKOV 

    LONDON, NOVEMBER 30 – The ferocious Hovhannes Bachkov left a trail of destruction in his wake...

    Default Image

    Growling Tigresses pumalag versus Lady Archers, 68-57

      Binaklas ng  University of Santo Tomas ang twice-to-beat na insentibo ng De La Salle nang sagpangin...

    Blue Eagles,  Fighting Maroons nagpasiklab, 2-0 kapwa tinatak!  

    UAAP Season 85 Women's Badminton 
     
    Umareglo ang Ateneo de Manila University at University of the Philippines ng magkahiwalay na panalo, hatawin ang kani-kanilang ikalawang sunod na panalo sa UAAP Season 85 Women's Badminton, Lunes sa  Centro Atletico Badminton Center sa Quezon City.
     
    Ang Blue Eagles, ang reigning two-time champions, ay sumandal kay  national athlete Mika De Guzman para tabunan ang University of Santo Tomas, 4-1, matapps niyang walisin ang kanyang aaignatura sa naturang araw.
     
    Pinaluhod ng Ateneo captain si Charlize Belen, 21-11, 21-9, sa unang singles match, bago nakipagbalikatan kay reigning back-to-back MVP Chanelle Lunod sa unang  doubles match win, 21-13, 21-8, laban kina Clara Ignacio at Elij Pena.
     
    Nauna nang kumaldag si Rookie Jochelle Alvarez sa pagpalo ng  2-0 lead para sa Ateneo kaagapay ang ikalawang singles victory sa pagtibag kay Rhafi Santos sa bisa ng  21-13, 21-8 score lines.
     
    Nakahugot ng isa ang UST mula kina  Santos at Jennifer Saladaga sa pagbulsa ng ikalawang doubles match, 15-21, 21-17, 21-15, kontra kina Alvarez at Missy Cervantes, ngunit siniguro ni Lunod na ang defending champions ang makahulu ng huling halakhak sa pagwalia kay Saladaga, 21-15, 21-15, sa sa final singles match.
     
    "It's not easy to get 5-0 because each team has its own exceptional players, so it's OK. It's a learning experience for us. I look at it as something to be learned," Ateneo head coach Kennie sabi ni Asuncion.
     
    Sa kabilang dako, pinalutang ng UP ang kanilang lalim sa pag-sweep sa Adamson University, 5-0, kaagapay tambalan nina national team standouts Lea Inayo at Susmita Ramos sa pagkandado nila sa unang l
     doubles match.
     
    Tinaktak   nina Aldreen Concepcion at Anthea Gonzalez ang 2-0 bentahe matapos maipanalo ang unang dalawang  singles matches para sa Fighting Maroons. Binakbak ni Concepcion si Patricia Timosa, 21-11, 21-8, at winasak ni Gonzalez si Janine San Ignacio, 21-1, 21-3.
     
    Kasunod binalot ni Inlayo at Ramos ang panalo sa pamamagitan ng dominanteng 21-10, 21-5 win kina Melody Ampusta at Graziel Cabriga sa loob lang ng 23 minuto.
     
    Standings
    Ateneo 2-0
    UP 2-0
    NU 1-1
    DLSU 1-1
    UST 0-2
    AdU 0-2
     
    Sumanib rin ang National University sa winning column matapos ang solidong 5-0 sweep sa De La Salle University, habang pinangalagaan ni Sarah Barredo ang kanyang mga single at doubles match.
     
    Ginawa ni Barredo ang clinical work ni Mia Manguilimotan upang buksan ang araw at pagkatapos ay ipinares kay Ybonnie Dema-ano sa isang marathon first doubles match, 15-21, 21-13, 21-8, kina Shayne Boloron at Palma Cruz para makuha ang unang panalo para sa Lady Bulldogs.
     
    Ang Blue Eagles at ang Fighting Maroons ay magkasosyo  para sa solo lead. Samantala, ang NU ay susunod sa ikalawang sunod na match laban sa UST, kahit na ang La Salle at Adamson ay naglalaban para sa bounce-back win ng magkabilang panig. Ang lahat ng team ties na ito ay nakatakda sa Sabado ng 1 p.m.
     (Louis Pangilinan/ UAAP)