Radio Bell namayagpag sa PHILRACOM 3rd Leg Triple Crown stake race

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Cappelozza forced out of Playoff bout with Denis Goltsov due to injury

    The Professional Fighters League (PFL), the fastest growing and most innovative sports league in...

    REGIS PROGRAIS HAS CLIMBED ‘OUT OF A PIT’ TO LAND WBC TITLE SHOT

    Regis Prograis says he has ‘clawed his way out of a pit’ to secure another shot at the world super...

    Pinaka maliit na hinete nagwagi sa 2022 PHILRACOM "Open Invitational Race For Imported & Local Horses"

    Hindi naging sagabal na maging pinaka maliit na hinete matapos gabayan ng apprentice jockey na si...

    Radio Bell namayagpag sa PHILRACOM 3rd Leg Triple Crown stake race

    Pinagharian ni Radio Bell ang katatapos na 2022 PHILRACOM 3rd Leg Triple Crown stake race noong Linggo sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.
    Sa pagkapanalo ni Radio Bell ay hindi natupad ang pangarap ni Basheirrou na makagawa ng kasaysayan na makopo ang three-peat title matapos magkampeon sa 1st at 2nd leg at naunsiyami sanang pang 13 kabayo na naka sweep ng Triple Crown Series.


    Muling nasilayan ang dunong ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez, ipinuwesto nito ang anak nina Sakima at Radioactive Love na si Radio Bell sa pang-lima sa largahan habang nagtatagisan ng bilis sa unahan sina Gomezian at top favorite Basheirrou.
    "Masayang-masaya po ako sa pagkapanalo ko sa 2022 PHILRACOM 3rd Leg Triple Crown stake race," sambit ni Hernandez na ang palayaw ay Uno sa race industry.
    Sa kalagitnaan ng karera ay unti-unting umusad papalapit sa unahan ang pag-aari ng Bell Racing Stable na si Radio Bell upang pagsapit ng huling kurbada ay maungusan nito ang nauupos na si Basheirrou at Gomezian.
    Tinawid ni Radio Bell ang meta ng may anim na kabayong agwat sa nasegundong si Jungkook sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
    Hinanda ni Donnie Sordan, nirehistro ni Radio Bell ang 2:07.6 minuto sa 2,000 meter race sapat upang hamigin ang P2.1M premyo, habang napunta ang P787,500 sa second placer na si Jungkook.
    Terserong dumating sa finish line si Enigma Uno, pang-apat si Gomezian na nakapag-uwi ng tig P437,500 at P175,000 ayon sa pagkakasunod. -Marlon Bernardino-
    Makikita sa larawang ito si dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez na naka sakay sa kabayong si Radio Bell na unang tumawid sa meta para magkampeon sa katatapos na 2022 PHILRACOM 3rd Leg Triple Crown stake race noong Linggo sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.