Pinangunahan ni Batang Cabrera ang pagdeklara ng pagsali sa magaganap na Commissioner's Cup Division II na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa Pebrero 20.
Anak nina Consolidator at Pali, inaasahang makakalaban ni Batang Cabrera ang mga nominado ring sina Arrabiata, Flattering You, Greatwall, Isla Puting Bato, Magna Cum Laude, Magtotobetsky, Shining Vic, Victorious Colt at Weather Lang.
Rerendahan ni jockey AM tancioco, makikipagtagisan ng bilis si Batang Cabrera sa distansyang 1,600 meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Pag-aari ni AV Tan si Batang Cabrera, puntirya nila na masungkit ang P450,000 na premyo para sa mananalong kabayo.
May guaranteed prize na P750,000 ang nasabing karera, ikakalat ito sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, nakalaan ang P150,000 sa second placer.
Kukubrahin ng pangatlong puwesto ang P75,000, habang mapupunta ang P37,500, P22,500 at P15,000 sa fourth, fifth at sixth ayon sa pagkakahilera.