Mapapalaban si Radio Bell ngayong araw pagsalang nito sa 2021 PHILRACOM 2-Year-Old "Juvenile Championship" na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Hernandez, inaasahang mabibigyan ng magandang laban si Radio Bell kina Victoriousprincess at Enigma Uno ayon sa mga karerista.
"Mabigat din laban ni Radio Bell, mahuhusay din ang kanyang mga kalaban, Enigma Uno malaki din ang panalo nyan," saad ni Willie Gonzales, karerista.
May distansyang 1,400 meter race, ang ibang kalahok ay sina Lord Luis at Rap Bell, ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Paglalabanan ang P2M guaranteed prize kung saan hahamigin ng magkakampeon ang P1.2M habang ibubulsa ng second placer ang P450,000.
Kukubrahin naman ang third at fourth placers ang P250,000 at P100,000 ayon sa pagkakasunod habang P100,000 ang mapupunta breeder ng winning horse.
Hinahanda ni Trainer Donato Sordan, si Radio Bell na nasa Bell Racing Stable na pag-aari ni Elmer De Leon ay anak nina Sakima at Radioactive Love.
Sinungkit ni Radio Bell ang korona sa 2021 PHILRACOM 2nd Leg Juvenile Stakes race nakaraang buwan at PHILTOBO Juvenile Championship noong Disyembre 5.