ECQ sa NCR plus palalawigin pa hangang Abril 11.

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Gulf Coast Triumph: Jared Anderson Dominates Ryad Merhy

    Jared "The Real Big Baby" Anderson did not have a particularly eager opponent in Ryad Merhy, but...

    NM Ferriol 2nd sa Penang Open Chess

    by Marlon BernardinoGeorgetown, Penang, Malaysia---Nagwakas nang malakas si National Master Gerald...

    The Lakers secure a playoff berth with 110-106 win over the Pelicans

    LeBron James had 23 points, nine assists and nine rebounds, and the Los Angeles Lakers secured a...

    ECQ sa NCR plus palalawigin pa hangang Abril 11.

    Ang papapalawig ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at sa mga kalapit lalawigan nito matapos ang itinakdang pag-alis April 4 ay makakapagpabagal nang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (Covid-19), ayon sa official ny National Task Force (NTF) Against Covid-19.
     
    "Kung ako ang tatanungin, 'yung syempre ang health side, maganda tuloy-tuloy. In fact, baka more than one week pa nga hanggang humaba yung reproduction number," sambit ni NTF medical adviser Dr. Teddy Herbosa sa panayam sa Laging Handa press briefing.
     
    Gayunman,  sinabi ni Herbosa na ang pagpapatupad ng lockdown ay kailangang may kasamang   patuloy na pagresponde sa pandemya, tulad ng  testing, isolation, at contact tracing.
     
    "Yung ECQ, syempre pag pinahaba mo yan mababawasan talaga yung paghawa-hawa ng ating mga kababayan sa sakit na ito, pero dapat kasabay ito ng public health measures (Extending the EQC will reduce the disease transmission among people but it has to be accompanied by other public health measures)," aniya.  "Kaming mga doktor, siyempre ang gusto namin ay huminto ang epidemya o yung pagkalat ng nakakahawang sakit na Covid-19 (We doctors, of course, want a stop to the epidemic or the spread of this contagious disease of Covid-19)."
     
    Aminado din si Herbosa na ang ipinatupad na  lockdown nung nakaraang taon ay naging matindi ang  epekto sa ekonomiya at sa istriktong galawan. 
     
    Tinukoy din niya na ang pagpapalawig ng  ECQ o hindi ay mabigat na desisyon para sa  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
     
    Ang mga  technical expert ng IATF sa  health at epidemic, gayundin kasama ang mga eksperto sa ekonomiya at serbisyong panglipunan, ay inaasahang tatalakayin sa anumang posibleng ekstensiyon ng ECQ sa National Capital Region (NCR) Plus bubble.
     
    "Mabigat ang desisyon and I do hope matulungan sila at maka-come up sila ng magandang solusyon na magba-balance ng lahat ng factors na ito (It would be a difficult decision and I do hope they could be helped and come up with a good solution that would balance all these factors)," ani Herbosa.
     
    Maraming  hospitals sa Metro Manila at iba pang  quarantine facilities na pinapangasiwaan ng local government units (LGUs) ay umabot na sa kanilang  full-bed capacity para sa Covid-19.
     
    Binalaan niyang ang punuan nang mga ospital  ay maaring hindi  na kakayaning dalhin ang bilang ng mabilis na pagtaas ng nahahawaan kapag inalis na ang 
     lockdown.
     
    "Puno ang mga ospital, kapag nag-open up tayo, siguro dadami pa 'yung kaso baka hindi maka-adapt yung ating local hospitals at saka mga quarantine facility," ani Herbosa.
     
    Ang Metro Manila at ang probinsya ng Laguna, Bulacan, Cavite, at Rizal ay sumailalim sa pangalawang linggong  ECQ hanggang  Abril 11.(LP) 
     
    Photo Courtesy : ABSCBN