USAPANG VisMin Cup ang sentro ng talakayan sa ‘Usapang Sports on Air’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon via Zoom.
Ihahatid ang mga kaalaman at impormasyon sa basketball community sa bagong professional league sa bansa ng mga opisyal ng VisMin Cup – kauna-unahang community-based at pro basketball league sa South – sa pangunguna ni Mr. Rocky Chan, ang Chief Operating Officer.
Nakatakda ring maglaan ng panahon si dating PBA star at VisMin Cup Ambassador Dondon Hontiveros sa lingguhang forum na nakatakda ganap na 10 ng umaga sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusements Board (GAB).
Imbitado rin si Coach Chelito ‘Carz’ Caro, VisMin Cup Secretary General, at iba pang kinatawan ng 12 koponan na kompirmado nang lalahok sa home-and-away league.
Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat, higit ang mga opisyal at miyembro ng asosasyon na makiisa sa talakayan na mapapanood din via livestreaming sa Facebook at YouTube.(LP/TOPS)