Illegal bookies nalambat  ng GAB

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Gulf Coast Triumph: Jared Anderson Dominates Ryad Merhy

    Jared "The Real Big Baby" Anderson did not have a particularly eager opponent in Ryad Merhy, but...

    NM Ferriol 2nd sa Penang Open Chess

    by Marlon BernardinoGeorgetown, Penang, Malaysia---Nagwakas nang malakas si National Master Gerald...

    The Lakers secure a playoff berth with 110-106 win over the Pelicans

    LeBron James had 23 points, nine assists and nine rebounds, and the Los Angeles Lakers secured a...

    Illegal bookies nalambat  ng GAB

    TULOY ang pagsawata ng Games and Amusements Board (GAB) sa mga pasaway na illegal bookies sa gitna nang mga ipinapatupad na ‘safety and health’ protocol para sa laban kontra coronavirus (COVID-19).
    Sa pinagsanib puwersa ng GAB Anti-Illegal Gambling Division, sa pamumuno ni SGI-2 Glenn Pe at operatiba ng Manila Police District (MPD) Special Operation Unit, sa pangunguna ni PCPT Jervies Soriano, Deputy Chief, sa patnubay ni PMAJ Cicero Pura, nalambat ang tatlong suspek sa isinagawang operasyon nitong Martes sa panulukan ng Pasig Line sa Sta. Ana, Manila.
     
    Nasakote at sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling (Illegal Horse Racing Bookies) sina Jerocel Medina, 47; Walter Beltran, 48; at Eric Paclibar, 38. Nakuha sa tatlo ang iba’t ibang kagamitan sa illegal na gawain, tulad ng radio, TV monitor artprograma ng karera, gayundin ang mga nakolektang taya.
     
    “Sa tulong po ng mga concerned citizen, amin pong sinubaybayan ang lugar at nang makumpirma kaagad kaming nakipagtulungan sa MPD para masawata ang naturang illegal bookies,” pahayag ni Pe.
     
    Malaking halaga ng buwis na magagamit sana ng pamahalaan sa mga programa tulad ng paglaban sa coronavirus ang nawawala dahil sa mga ilegal bookies. Hinikayat ni Pe ang mamamayan, higit yaong mga aficionados ng horse racing na tumangkilik sa mga legal ng Off-Track Betting Station, gayundin sa mga online apps na ginagamit sa kasalukuyan ng malalaking karerahan sa bansa.
     
    “Yung buwis po na nakokolekta sa mga legal na programa ng horse racing at iba pang sanctioned program ng GAB ay nagagamit po sa pangangailangan n gating mamamayan,” ani Pe. (LP/GAB)