Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, Huwebes, ang paglulunsad ng city’s online registration para sa kanilang QCitizen ID na magagamit sa pag-access ng iba-ibang serbisyo kabilang na ang Q City Bus, health, at iba pang social services.
Sa on-the-ground registration para sa identification card, ito'y unang gagawin sa Barangay Central sa Jan. 15, aniya.
“The registration will give importance to those who are on the priority list for the coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine – senior citizens, persons with disability and frontliners,” ani pa Belmonte.
Kamakailan nilagdaan ng city government ang tripartite agreement kasama ang National Task Force Against COVID-19 at AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines para sa advance purchase ng COVID-19 vaccines ng kanilang komunidad.
Samantala, isinagawa ni Belmonte ang Ease of Doing Business and Automation Task Force para maharmonisa ang city government’s efforts sa iba't ibang pambansang polisiya at higit na makatulong na mapagana ang city government’s processes at mga serbisyo.
Sa kanyang ipinalabas na Executive Order No. 47 of 2020, binalikan niya ang existing Ease of Doing Business at Automation Task Force sa Committee on Anti-Red Tape at Ease of Doing Business (CART-EODB).
Si City Administrator Mike Alimurung ang chairperson ng CART-EODB, habang co-chairpersons ay ang mga pinuno ng Business Permits and Licensing Department at Department of Building Official. Ang mga lider ng iba't ibang departamento ng lungsod at opisina ang mga miyembro.
Ani Alimurung, ang QCitizen ID ay ang unified identification para sa lahat ng residente na siya ring pumalit sa dating senior citizen, solo parent at PWD ID cards over time.
Ang existing ID cards ay ipagpapatuloy na maging valid sa interim.(LP/MST)