Ano ang mga balakin at hinaharap ng Philippine sports sa taong 2021?
May nakahandang kasagutan sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez and Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham “Baham” Mitra sa muling espesyal na pagharap nila sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) “Usapang Sports on Air” yearend edition via Zoom, Huwebes, Dec. 17.
Si Ramirez at Mitra, na ang klaradong liderato sa panahon ng pandemya sa pagkaloob ng nararapat na tulong sa mga atelatang Pinoy, ay magsasalita hinggil sa kanilang mga plano sa parating na taon.
Inaasahan ding talakayin ng dalawang opisyal ang tungkol sa Joint Administrative Order (JAO), na tumutulong sa pagsasaayos ng ligtas na pagbalik ng sports sa bagong normal.
Ito ang ikalawang beses na sina Ramirez at Mitra ay parehong umapir sa TOPS. Ang dalawang opisyal ay naging espesyal na panauhin sa inaugural edition noong November 2018.
Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya of People’s Tonight ang lahat ng officers at miyembro, kaibigan sa sports community, makilahok sa dalawang oras na session sponsored by the Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and Games and Amusements Board (GAB).
Ang TOPS ay kinabibilangan ng editors, columnist, reporters at photographers ng mga nangungunang national tabloids sa bansa at blogger-friends buhat sa iba't ibang social media groups.
Si veteran sportscaster Ernest Leo Hernandez at shoutcaster Phaister ay ang TOPS moderators.(LP)