Isang isla sa Japan ang hinagupit ng ikalawang atake (2nd wave) ng coronavirus matapos alisin ang ipinatupad na lockdown dito.
Tinanggal ang lockdown sa hilagang rehiyon ng Hokkaido noong Marso 19 na naging daan para muling buksan ang mga negosyo at iskuwelahan.
Dahil dito, ito'y naging resulta ng panibagong bilang ng kaso na tinamaan ng mapaminsalang pandemya sa buong mundo na isa o dalawa kada araw ang hinawaan sa nasabing isla.
Ngayon, 26 na araw pang lang ang nabura, muling pinatupad ang kanilang lockdown kung saan 135 bagong kaso ng virus ang naiulat sa loob lang ng isang linggo.
"Now I regret it, we should not have lifted the first state of emergency. It really may not be until next year that we can safely lift these lockdowns.
sinabi sa TIME ni Dr. Kiyoshi Nagase, chairman of the Hokkaido Medical Association.
May ginawang pagtataya ang lokal na pamahalaan sa impact immigration ay posibleng isa sa pagkalat ng coronavirus sa nasabing pulo bagamat hindi rin isinaisantabi ang domestic migration.
Inihayag ni Yoko Tsukamoto, professor ng infection control sa Health Sciences University of Hokkaido na ang agad na pag-alis ng lockdown ay sadyang napakaaga.
''At the time, we didn't have enough information and we did not have an adequate understanding of this disease.
Hokkaido reported 38 new cases on Tuesday, bringing its total number of infections to 688, fifth highest in Japan".
Isa pang tao ang namatay din mula sa Covid na ngayo'y umabot na sa 27 ang death toll sa isla.
'We know that was the wrong move now, but then it seemed the best thing to do,' sinabi sa The Telegraph.