Tulong Kapatid sa pamilyang biktima ng sunog sa Bacoor
Latest News

Tulong Kapatid sa pamilyang biktima ng sunog sa Bacoor

Sa kabila nang paglaganap ng COVID-19 pandemic, may   3,000 individuals ang nawalan ng tahanan sanhi ng sunog sa  residential area sa Wawa Uno, Zapote 5, Bacoor City, Cavite  nooong madaling araw ng Marso 23.

Sa kabila nang paglaganap ng COVID-19 pandemic, may   3,000 individuals ang nawalan ng tahanan sanhi ng sunog sa  residential area sa Wawa Uno, Zapote 5, Bacoor City, Cavite  nooong madaling araw ng Marso 23.

Ang Tulong Kapatid, ang corporate social responsibility group of companies, foundations, at apilyado sa ilalim ng liderato ni  Manuel V. Pangilinan, ay naghatod ng ayudad sa mga  nawalan ng  tahanang pamilya sa Bacoor City, at nagbigay ng 500 Liters ng 70% ethyl alcohol.

Ang  Bacoor  na kamakailan ay nasa ilalim ng  quarantine dahil sa pagkaroon ng tatlong kumpirmadong  COVID-19 cases, ay inayudahan ng donasyon para makatulong sa pamilyang manatiling ligtas.

Nakapagkaloob din ang  One Meralco Foundation ng 300 packs ng  relief goods sa lokal na pamahalaan ng Bacoor para sa pamilya na nabiktima ng sunog  habang ang Maynilad  ay nagkaloob ng  30  sako ng bigas at  1,000 piraso ng  bottled water.

Ang Tulong Kapatid ang gumagawa ng mga paraan sa punto ng disaster preparedness at responde, education, at community building.

Kabilang sa mga miyembro ang PLDT-Smart Foundation, One Meralco Foundation, Metro Pacific Investments Foundation, TV5’s Alagang Kapatid Foundation, Makati Medical Center Foundation, Cardinal Medical Charities Foundation, MVP Sports Foundation, gayundin sa  community relations at public affairs units of PLDT-Smart, Philex Mining Corp., Roxas Holdings, Inc., at  subsidiaries sa  ilalim ng Metro Pacific Investments Corp. Louis Pangilinan

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus