Magkapatid na Marticio muling nanalasa sa Lian, Batangas chess tourney

Magkapatid na Marticio muling nanalasa sa Lian, Batangas chess tourney

Magkapatid na Marticio muling nanalasa sa Lian, Batangas chess tourney

Magkapatid na Marticio muling nanalasa sa Lian, Batangas chess tourney

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Muli na naman nanalasa ang magkapatid na sina Jersey at Jeremy Marticio ipinagmamalaki nina Cabuyao City mayor Atty. Rommel A. Gecolea at Philippine Executive Chess Association president Dr. Alfredo "Fred" Paez sa katatapos na Lian Chess Tournament na ginanap sa Lian Municipal Hall, Lian, Batangas nitong Pebrero 16, 2020.


Si Jersey, 12 years old, grade 7 pupil ng Pulo National High School Cabuyao City, Laguna ay nakapagtala ng 4.5 puntos sa limang laro para kunin ang titulo sa Kiddies 14 years old and below category.
Nakaipon din ng 4.5 puntos si Juncin Estrella ng Silang, Cavite subalit nagkasya sa ika-2 puwesto matapos ipatupad ang tie break points.
Sa panig naman ni Jeremy, 14 years old at grade 8 student ng Pulo National High School, Cabuyao City, Laguna ay nakaipon ng 4.0 puntos para kunin ang ika-3 puwesto sa bisa ng mas mataas na tie break points at ungusan ang kapwa 4.0 pointers na sina Rian Paul Tenorio ng Nasugbu, Batangas (4th place) at Clark Jemuel Cabatian ng Estavillo Chess Academy mula General Trias City, Cavite (5th place).
Kapwa nakapagtumpok naman ng tig 3.5 puntos sina Jonas Tenorio ng Batangas City (6th place) at Quinn Kerbie Molino ng Lian, Batangas (7th place) sa 1-day grassroots level rapid chessfest na suportado mismo ng local government ng Lian, Batangas sa pangunguna ni mayor Isagani I. Bolompo na magkatuwang na inorganisa nina Lian Chess Club president IniƱo Vergara Bolompo at Lian Chess Club vice-president Eric John Lamano na layuning makatuklas ng future chess master.
Ating magugunita na si Jersey ang nag reyna sa girls 14 and under division ng pinamagatang Para Sa Community FIDE/NCFP Standard rating grand finals age group chess championships na ginanap sa SM City Olongapo Central sa Olongapo City nitong Enero 31 hanggang Pebrero 2, 2020 kung saan sa panig naman ni Jeremy ay tumapos ng third place sa Open group A class sa sa 3-day event na magkatuwang na inorganisa nina Mr. Reden Cruz at Mr. Joel Villanueva sa pakikipagtulungan nina Olongapo City mayor Rolen C. PaulinoJr., Olongapo City Sports & Youth Development OIC David B. Bayarong, SM Central Olongapo City at Olongapo City Elementary School.-Marlon Bernardino-
Makikita sa larawang ito si Jersey Marticio, ipinagmamalaki nina Cabuyao City mayor Atty. Rommel A. Gecolea at Philippine Executive Chess Association president Dr. Alfredo "Fred" Paez na nagkampeon sa Lian Chess Tournament na ginanap sa Lian Municipal Hall, Lian, Batangas nitong Pebrero 16, 2020. Si Jersey, 12 years old, grade 7 pupil ng Pulo National High School Cabuyao City, Laguna ay nakapagtala ng 4.5 puntos sa limang laro para kunin ang titulo sa Kiddies 14 years old and below category.
Ating magugunita na si Jersey ang nag reyna sa girls 14 and under division ng pinamagatang Para Sa Community FIDE/NCFP Standard rating grand finals age group chess championships na ginanap sa SM City Olongapo Central sa Olongapo City nitong Enero 31 hanggang Pebrero 2, 2020.