Gilas tuluyang nalusaw, bigo naman sa Tunisia!

Gilas tuluyang nalusaw, bigo naman sa Tunisia!

Gilas tuluyang nalusaw, bigo naman sa Tunisia!

Gilas tuluyang nalusaw, bigo naman sa Tunisia!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Lusaw na ang inaasam na awtomatikong silya ng Gilas Pilipinas na makapaglaro sa 2020 Tokyo Olympics nang iwasiwas ng China ang Korea 77-73 sa patuloy na FIBA Basketball World Cup sa Foshan, China.

Nahugot ng China ang ikalawang panalo sa apat na asignatura at napunuan ang automatic spot para sa Asia sa Tokyo Olympics.

Kailangan lang na magwagi ng host country kontra Nigeria ngayon Linggo para sa automatic Olympic spot.

Pero posibleng maagaw ng Iran ang Olympic slot sa China kapag matatalo nila ang Gilas Pilipinas na muling nabigo sa Tunisia, 86-65, at ang pagkatalo ng China sa Nigeria.

Gayunman may tsansa pa rin ang Gilas na makapasok sa Olympic sa bisa ng Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa susunod na taon.

Ang susunod na best 16 teams sa FIBA World Cup ay makakasama ng walong wildcard teams sa OQT para pagtalunan ang final four slot sa Olympiyada.(Louis Pangilinan)