Nagkampeon ang kilabot at worldclass woodpusher na si National Master (NM) Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa Dugout 1594 Armageddon 8 Rapid Chess Tournament noong Biyernes, Enero 31, 2024 sa Dugout 1594 Restaurant E.Rodriguez, Cubao, Quezon City.
Ibinulsa ni NM Bernardino, na naglalaro para sa IIEE-PSME Quezon City Simba's Tribe, ang premyong salapi at medalya para sa pamumuno sa torneo na punong abala sina Yeoj Michael Yusef Cabaya, Adrian Malapitan, Ian at suportado nina Bahrain based Joey Salud Cabaya, IIEE National Past President Engr . Allan Anthony Alvarez at Atty. Rodolfo Enrique "Rudy" Rivera.
Nanaig si NM Bernardino kontra kina Candidate Master Genghis Imperial (2-1), United States chess master Jose Aquino Jr. (2-0) at National Master Romeo Alcodia (2-0) sa finals.
Tinalo naman ni NM Alcodia sina Eduardo Campos Jr. (2-1) at International Master Jose Efren Bagamasbad (2-0) para ayusin ang title showdown kay NM Bernardino.
Sina NM Bernardino at NM Alcodia, parehong nangungunang manlalaro ng Rizal Technological University ,Barangay Malamig, Mandaluyong chess team noong College days nila noong kalagtinaan ng dekada 90.
"Nakakatuwa at kahit paaano nakaka tsamba pa," sabi ng Quezon City at Mandaluyong City bet Bernardino, a certified online Arena Grandmaster at United States chess master na veteran sportswriter at radio commentator.
"Iam extremely satisfied with the outcome," dagdag pa ni NM Bernardino na naka iskeydul na magsagawa ng simultaneous chess exhibition sa Pebrero 10, 2025 sa Santo Tomas, Pangasinan na punong abala si Mayor Dickerson Dauz Villar.
Ating magugunita na si NM Bernardino din ang nagkampeon sa Single Knockout Armageddon Tournament (SiKAT) noong Disyembre 6, 2024 sa Pavilion Mall, Greenfield District sa Mandaluyong City.
Nakuha rin ni Bernardino ang pangkalahatang ika-7 puwesto sa 16th Penang Heritage City International Chess Open 2024 Chess Championship na ginanap noong Disyembre 23-27, 2024 sa UOW Malaysia KDU Penang University College (Georgetown) sa Penang, Malaysia na umakit ng 105 woodpushers.
Si Bernardino ang coach at delegation head ng PH chess team na nanalo ng 2 ginto at 1 bronze medal sa 32nd FIDE World Senior Chess Championship na ginanap sa Hotel Baleira, Porto Santo Island, Portugal mula Nob. 16-29, 2024.
Nakamit ni Bernardino ang isa pang kahanga-hangang tagumpay nang manalo sa unang puwesto sa 3rd Laos International Chess Open 2024 na ginanap sa 2nd floor Parkson@ Naga Mall sa Vientiane, Laos mula Setyembre 1 hanggang 6, 2024.
Kabilang sa mga sumusuporta sa kanyang kampanya sa chess dito at sa ibang bansa ay sina ALC Group of Companies Chairman at CEO D. Edgard Cabangon , Mayor Luis "Jon Jon" Ferrer IV, International Billiard and Snooker Champion Marlon Manalo, National Chess Federation of the Philippines Chairman/ President Prospero "Butch" Pichay Jr. , CEO/Executive Director GM Jayson Gonzales at G. Jessie Villasin.
Nakatakda siyang makipagkumpetensya sa Melbourne International Open Tournament na gaganapin sa Abril 7-14, 2025 sa Melbourne Chess Club sa Melbourne, Australia at sa 2025 Sydney International Open sa Abril 23-27, 2025 sa Novotel West HQ, Conference Rooms 5 & 6 sa Sydney, Australia.-Marlon Bernardino-
Larawan ng caption:
mula sa kaliwa: IIEE National Past President Engr. Allan Anthony Alvarez, NM Romeo Alcodia (Runner-Up Place), NM Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. (Champion) at G. Yeoj Michael Yusef Cabaya ng Dugout 1594.