ni Marlon Bernardino
Masisilayan si National Master (NM) Mar Aviel Carredo sa napipintong 2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge kung saan makakaharap nila ang mahihirap na linya ng mga katunggali sa Pebrero 2, 2025, Linggo sa ICI College, Sta. Maria, Bulacan.
"Gagawin ko lahat ng aking makakaya," sabi ni NM Carredo.
Ang iba pang woodpushers na kalahok sa kompetisyon ay sina GM Darwin Laylo at GM candidate Ronald Dableo, NM Almario Marlon Bernardino Jr., NM Romeo Alcodia, Ferdinand Bonifacio, Kyle Emmanuel Ochoa, Allan Gabriel at Gllasea Ann Hilario, Robi Ocampo, Faith Louise Dorupa, Ardy Kyron Jose, Mark Louell Renales at Enzio Pungutan.
Ayon kay tournament director Normel De Jesus, nahahati sa 2 divisions ang 1 day tournament.
Ang 2300 and below FIDE rating as of December 2024 (titled players may join) at ang 17 years old and under (regardless of rating and title).
Ang kaganapang ito ay gaganapin sa pakikipagtulungan ng 2025 Sta. Maria Town Fiesta Committee na pinamumunuan ni Pangulong Engr. Annabel Mauricio-Roldan at katuwang ang University of Santo Tomas (UST) Chess Team, NORI Chess Club at Bulacan 6th District Congressman Salvador "Ador" A. Pleyto.
Ang magka kampeon dito sa 2300 and below FIDE rating as of December 2024 ay tatangap ng lion’s share na P10,000.
Ang second hanggang fifth placers ay tatanggap ng P5,000, P3,000, P2,000, at P1,500, ayon sa pagkakasunod.
Ang ikaanim hanggang walo ay tatanggap ng tig-P800 habang ang ika-9 hanggang ika-10 ay maghahabol ng tig-P500.
Ang Top Sta. Maria, Top Lady, Top College at Top 50 Above ay makakatanggap din ng cash prize.
Ang top four sa 17 years old and under ay kikita ng P4,000, P2,000, P1,500 at P1,000 , ang 5th hanggang 8th placers ay mag-uuwi ng P500 bawat isa habang ang 9th hanggang 10th placers ay makakatanggap ng tig-P300.
May nakalaan din sa Top Sta. Maria at Youngest Player na cash prizes.
Ang registration fee ay P400 para sa 2300 and below FIDE rating as of December 2024 habang P300 para sa 17 years old and under.
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa messenger/fb Normel R. De Jesus, contact no. 09057918089.-Marlon Bernardino-