Ni Marlon Bernardino
Pinagharian ni Ace Bryant Miguel Ortega Ang kauna-unahang MMCCI Laguna 1st District (Sta. Rosa, Biñan, San Pedro) Individual 1950 & below Rapid Chess Tournament na ginanap sa St. Francis 10 Subd, Biñan City noong Linggo, Disyembre 22, 2024. Nakuha ni Ortega ang premyong 6K. Samantala sa Kiddies section, nagtabla sina Neil Kaiden Amatorio at Ghilyn Marianne Manire sa unang pwesto na may tig-6 na puntos, kung saan nanaig si Amatorio at nagkampeon dahil sa mas mataas na tiebreaks.
Nakikipagtulungan ang MMCCI sa pamahalaan ng Laguna, lalo na sa 1st District, para sa kanilang mga pagsisikap na itaguyod ang sports, partikular ang chess at iba pang larangan para sa kapakanan ng kabataan.
Makikita sa larawan, ang mga opisyal at miyembro ng (MMCCI) Master Merano Chess Club Inc. kasama ang naging kampeon na sina (mula kaliwa) Treasurer Katrina Merano, VP Biñan - Rodolfo Diokno, Corporate Secretary Samivin de los Santos, VP San Pedro - Nicolas Marino, Ace Bryant Miguel Ortega, President NM Ricky Merano, VP Sta. Rosa - Angie Siaga at Auditor Glenn Javier ay nais kilalanin at pasalamatan ang mga sumusunod na mapagbigay na mga sponsor para sa tagumpay ng kanilang torneo, lalo na sina:
Gov. Ramil L. Hernandez at CongW. Ruth Mariano Hernandez, Bise Gobernador Karen Agapay, Kap. Doc Pol Alzona - Kapitan ng Brgy. San Vicente, Kap. Melvin Malaiba - Kapitan ng Brgy. Loma, dating Konsehal Liza Lopez Cardeno, dating Alkalde Engr. Alexis "Etchit" Hirang Desuasido, Percival Mariquit - St. Francis 10 Subd. Pangulo ng HOA, Marlon Rodriguez - may-ari ng Chessmate Shop, Konsehal Elmer Dimaranan, at Konsehal Jedi Alatiit.-Marlon Bernardino-