ni Marlon Bernardino
Quezon City---TUTULAK na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao rapid chess tatluhan team tournament (2000 average rating) sa Nobyembre 17, 2024, 11am sa Robinsons Galleria, Ortigas Avenue sa Quezon City.
Makakamit ng champion team ang P15,000 plus trophy, medals, tatlong (3) mobile phones na nagkakahalaga ng P48,000 at P15,000 gems mula sa Kalaro Esports.
Ang second placer ay makakakuha ng P20,000 plus trophy at P7,500 gems mula sa Kalaro Esports, third placer ay makakatanggap ng P10,000 plus trophy at P3,000 gems mula sa Kalaro Esports, fourth placer ay mag-uuwi ng P8,000 habang ang fifth placer ay magbubulsa P6,000.
Ang ikaanim hanggang ika-7 puwesto ay mag-uuwi ng tig-P4,000 habang ang ikawalo hanggang ika-10 puwesto ay mag-uuwi ng tig-P3,000.
Ang mga espesyal na parangal ay makakatanggap ng tig-P1,000 para sa Top Board 1, Top Board 2 at Top Board 3 habang P3,000 para sa Top 1900 Team sa ibaba sa 1 araw na event na ito, na sinuportahan ni Sen. Manny Pacquiao sa pakikipagtulungan nina MPBL partylist nominee Mr. Ronwald Munsayac, Founder at President ng Kalaro Mr. June D. Lasco at tournament director Mr. John Salcedo.
"We are excited to invite you to participate in the 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao rapid chess tatluhan team tournament (2000 average rating) gets underway on November 17, 2024," sabi ni tournament director Mr. John Salcedo.
.Kabilang sa mga kalahok na koponan ay ang QPCPA TEAM A-B, Little Scout Chess Club, Chua Team, Top Secret,Team Destroyer, Team Xandrex, AJA 2.0, Gullan and friends, Ubus na kayo team, Sekretong Malupit,Last Minute Team, Dumadag Team A-D ,Father and Son,Cubao Attackers,Tiratira A-C ,Team Orfanel A-C, Rook Stars at Jolly Smile Dental Clinic.
Mag call or text sa mobile number: 0977-286-8494.-Marlon Bernardino-