ni Marlon Bernardino
Manila---Itinakda ni FIDE Master David Elorta ang kanyang paningin sa 3rd Governor Henry S. Oaminal Open Chess Festival na iinog sa Nob.4-5 sa Asenso Misamis Occidental Sports and Cultural Center, Capitol Complex sa Oroquieta City, Misamis Occidental.
Si Elorta ay kabilang sa mga top contenders sa torneo na inaasahang masisilayan ang mga top wood pushers sa buong Pilipinas.
Humigit-kumulang P428,000 na papremyong cash ang nakataya sa 9-round Swiss System -- na may kontrol sa oras na 15 minuto para sa buong laro na may dagdag na 3 segundo bawat galaw simula sa unang galaw.
Alinsunod sa pagdiriwang ng 95th Provincial Anniversary ng Asenso Misamis Occidental, ang FIDE ay nag-rate ng open rapid competition, kung saan ang open champion ay tumanggap ng P50,000 top purse. Makakakuha din ng consolation prize ang Top 20 players. Nakataya din ang mga premyong pera para sa mga nanalo sa Under-13, Top U-17 , Top Misamis Occidental at ang blitz chess champion.
Ibinulsa ni Elorta, na naglalaro para sa Manila Indios Bravos sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP), ang P10,000 pitaka at ang gintong medalya para sa paghahari sa torneo kung saan nagtala ng mahigit 145 woodpushers sa katatapos lang na 72nd National Convention (NATCON) Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME) Open Rapid Chess Tournament noong Oktubre 19, 2024 sa SMX Convention Center, Mall of Asia Complex, Seashell Lane, Pasay City.
Nagtapos din si Elorta sa pangatlo sa Las Pinas Chess Club Inc. Open Rapid Chess Championship na ginanap noong Oktubre 20, 2024 sa SM Southmall Las Pinas.
"I hope to do well in this event, the 3rd Governor Henry S. Oaminal Open Chess Festival set Nov.4-5," sabi ni Elorta na nakatakdang lumahok din sa 3rd FIDE Master Angelito Camer FIDE Rated Open rapid chess turnament sa Linggo, Oktubre 27, 2024 na gaganapin sa Pavilion Mall, Greenfield District sa Mandaluyong City.
Kasama rin sa torneo sina GMs Rogelio "Joey" Antonio Jr., Darwin Laylo at Daniel Quizon, IMs Michael Concio Jr., Rolando Nolte, Ronald Bancod, Joel Pimentel, Rico Mascarinas, Kim Steven Yap at Eric Labog Jr., FMs Roel Abelgas, Christian Gian Karlo Arca, Austin Jacob Literatus, Victor Lluch, Anthony Makinano at Alekhine Nouri, Sherwin Tiu, Atty. Jason Bandal at NM Almario Marlon Bernardino Jr.
Papangunahan naman ni Hall of Famer at Asia’s First Grandmaster Eugene Torre ang pagsasagawa ng ceremonial moves kasama sina Gov. Oaminal, GMs Antonio, Laylo at Quizon.
Para sa mga detalye, makipag-ugnayan kina AGM Engr. Rey Urbiztondo sa 09999990374 at Stephen Sean Daral sa 09478918112.-Marlon Bernardino-