GM Daniel Quizon paborito sa Kamatyas Rapid Open chess tournament sa Isabela

GM Daniel Quizon paborito sa Kamatyas Rapid Open chess tournament sa Isabela

GM Daniel Quizon paborito sa Kamatyas Rapid Open chess tournament sa Isabela

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
Manila---Ang pinaka bagong grandmaster ng bansa na si Daniel Quizon ang paboritong kalahok sa pagtulak ng Kamatyas Rapid Open Chess Championship na may temang Blast of Mind Power ay iinog sa Nobyembre 2, 2024 sa Isabela Convention Center sa  Cauayan City, Isabela.


Bukod kay Quizon, kalahok din sina International Masters Joel Banawa, Ronald Dableo at Ricardo de Guzman, FIDE Masters David Elorta at Christopher Castellano.
Tampok din sina Kevin Arquero,  Vince Angelo Medina, Mcdominique Lagula, Samson Chhiu Chhin Lim, Alexis Emil Maribao,  Anwar Cabugatan, Marc Francis Balanay, Wei Hao Tan ng Malaysia, Phil Martin Casiguran, Robert Mania,  Sol Tiamzon at Jason Rojo.


Ang 9-round Swiss System tournament, na inorganisa nina International Master Roderick Nava at National Master David Almirol Jr. ng Kamatyas Chess Club, ay may pinakamataas na pitaka na P30,000 plus tropeo.
"Free registration and lunch to all participating 200 players," sabi ni IM Nava.


Ang second placer hanggang fourth placer ay magkakaroon ng P10,000, P7,000 at P5,000.  Ang fifth hanggang 10th placers ay tatanggap ng P2,000 bawat isa habang ang 11th hanggang 15th placers ay kikita ng P1,000 bawat isa.
Consolation awards ang naghihintay sa mga top scorers sa mga sumusunod na kategorya: Kiddies, Juniors, Lady, Seniors,  Top Isabela at Top Cauayan.-Marlon Bernardino-