Carzano nagkampeon sa Iligan rapid chess meet

Carzano nagkampeon sa Iligan rapid chess meet

Carzano nagkampeon sa Iligan rapid chess meet

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
Final Standings:
7.5 points---Johnny Wellem Carzano
7.0 points---Jose Bryan, Jones Maghuyop, FM Victor Bruce Lluch
6.5 points---Rodney Opada
6.0 points---Geronimo Romarate, Cosain Magarang, Abdul Halil Abdullah, Jaybee Velez, Abdul Hafids Sarangani, Jezreel Lopez, Romeo Madrid, Jonard Labadan, Johnnel Balquin, Randolph Christopher Dalauta, Mardonio Fuentes


Manila---Pinagharian ni Johnny Wellem Carzano ang katatapos na 2024 Iligan City Diyandi Festival Rapid Chess Tournament na ginanap sa Robinson's Mall, Level 3 sa Iligan City noong Sabado, Setyembre 14.
Ibinulsa ni Carzano ang P15,000 champion’s prize plus trophy matapos umiskor ng 7.5 points sa rapid tournament na inorganisa ng Metro Iligan Chess Club.
"I'm starting to think I'm only happy if I'm winning my games. Even if I played a really solid game and ended up solo first place," sabi ni Carzano na ipinagmamalaki ng Misamis Occidental, sariwa pa sa kampeonato sa National Chess Federation of the Philippines FIDE rated Standard Tournament noong Setyembre 8 na ginanap sa Philippine Academy Chess For Excellence sa Mindanao Avenue, Quezon City.
Sina Jose Bryan, Jones Maghuyop at FIDE Master Victor Bruce Lluch ay umokupa sa pangalawa hanggang ikaapat na puwesto na may tig-7.0 puntos habang nasa ikalima si Rodney Opada na may 6.5 puntos.
Si Geronimo Romarate, Cosain Magarang, Abdul Halil Abdullah, Jaybee Velez, Abdul Hafids Sarangani, Jezreel Lopez, Romeo Madrid, Jonard Labadan, Johnnel Balquin, Randolph Christopher Dalauta at Mardonio Fuentes ay nagtapos sa ika-anim at ika-16 na puwesto na may magkaparehong 6.0 puntos.
Sa Blitz division noong Linggo, naghari si Dalauta matapos irehistro ang pinakamataas na output na 7.5 puntos. Sina Magarang at Carzano ay tumira sa pangalawa at pangatlo na may 7.0 puntos, habang sina Balquin, Romarate at Julius Ablin ay umokupa sa ikaapat hanggang ikaanim na puwesto na may tig-6.5 puntos.-Marlon Bernardino-